5,099 guests

Taxi drivers nagpasalamat kay Duterte

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 338

RAMDAM ng mga taxi driver ang 100-day na administration ni President Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi kahapon ni Fermin Octobre, national president ng DUMPER Philippine Taxi Drivers Associations, bilang pasasalamat kay President Duterte.
   
Sa interview, sinabi ni Octobre na inamin ng mga taxi driver na nawala ang kanilang kaba sa mga holdaper  at mga drug addict na dati nilang kinatatakutan sa pagbiyahe lalo na sa gabi.
   
Kaugnay nito, nakiusap naman si Octobre kay President Duterte na atasan si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pakialaman nito ang mataas na boundary system sa taxi.
   
Hiniling din ng DUMPER kay President Duterte na alisin ang Expanded Value Added Tax (EVAT) sa gasoline at diesel.
   
Tiklop luhod din ang grupo kay President Duterte na atasan ang LTFRB na tuluyan nang pigilin ang operation ng U-ber at GrabCar.
   
Inamin ni Octobre na inaagaw ng U-ber at GrabCar ang kanilang kita, kung kaya’t hiling nila kay President Duterte na agarang atasan ang LTFRB na ipatigil ang operation nito.