9,742 guests

Robin, nagpasalamat na ’di napatay si Mark Anthony

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 649
Robin Padilla Robin Padilla

NAGPAPASALAMAT si Robin Padilla na buhay ang kanyang pamangkin na si Mark Anthony Fernandez matapos itong mahuli na may dalang isang kilo ng marijuana sa loob ng kanyang sasakyan.  Pinilit pang tumakas ng actor sa checkpoint along MacArthur Highway ng Angeles, Pampanga pero siya’y inabutan sa may San Fernando, Pampanga.  Si Robin ay pinsang-buo ng namayapang ama ni Mark Anthony, ang action star na si Rudy Fernandez.

Bukod sa ina ni Mark Anthony na si Alma Moreno, nagpakita rin ng concern ang step-mom ng actor na si Lorna Tolentino matapos iharap ang actor sa media without the help ng isang abogado kaya malamang na ipadala ng aktres ang kanyang lawyer para tulungan ang nakakulong na actor.

Kailangan talaga ni Mark Anthony ng isang mahusay na abogado dahil non-bailable ang kanyang offense at may katapat na lifetime imprisonment.

Noong 2004, sumailalim si Mark ng voluntary rehabilitation sa Bicutan Rehabilitation Center dahil na rin sa hikayat ng kanyang namayapang ama.  Itinurong dahilan noon ng pagbaling sa drugs ni Mark Anthony ay ang depression nito sa kanilang paghihiwalay ng kasintahang si Claudine Barretto.

Six months matapos lumabas ng rehab si Mark Anthony ay bumalik ito ng showbiz kung saan siya nagpakita ng husay bilang actor.

Marami ang nalungkot nang banggitin ni Mark Anthony ang kanyang yumaong ama (Rudy Fernandez) na pinayagan umano siyang humitit ng marijuana dahil ito’y gamot umano sa kanser.  Dahil kung buhay pa si Daboy (Rudy Fernandez) tiyak na ito mismo ang sasaway sa kanyang panganay na anak.  Si Daboy pa mismo ang nagpasok kay Mark Anthony sa rehab noong 2004.
   
Si Mark Anthony ay anak ng yumaong si Rudy Fernandez sa actress-politician na si Alma Moreno at half-brother nina Vandolph (anak ni Alma sa yumaong comedy king na si Dolphy), Ralph at Renz Fernandez (mga anak ni  Daboy sa asawang si Lorna Tolentino)  at maging ng mga anak ni Alma sa kanyang ex-husband na si Joey Marquez na sina Winwyn, Yeoj at VJ.
   
Hiwalay na si Mark Anthony sa kanyang asawang si Melissa Garcia-Fernandez kung kanino siya may dalawang anak – sina Grae at Chelsea Denise Fernandez.
   
Si Mark Anthony ay nakapiit ngayon sa Angeles City Jail.

MISS UNIVERSE PAGEANT, MAPAPANOOD SA TATLONG NETWORKS

MAY kumalat sa social media na balita na hindi umano tuloy ang pagsasagawa sa Pilipinas ng Miss Universe pageant sa darating na Enero 30, 2017.  Ito’y agad pinabulaanan ng Dept. of Tourism sa pamamagitan ni Asec. Katkat de Castro.
   
Tuluy na tuloy nga ang nalalapit na Miss Universe competition na gaganapin sa Pilipinas sa ikatlong pagkakataon.  Una noong 1974 at pangalawa noong 1994 at pagkatapos ng 22 taon ay ngayon lamang muli magiging host-country ang Pilipinas sa pinakamalaking international beauty competition sa buong mundo.
   
Although hindi pa nagpapalabas ng official release ang Department of Tourism sa iba pang detalye na may kinalaman sa Miss Universe pageant, ito’y nakatakdang gananapin sa SM MOA Arena at ang pre-pageant activities ay inaasahang gaganapin sa Davao City (hometome ni Pangulong Rodrigo`Digong’ Duterte), Cebu City, Iloilo City at Vigan City.  Pinuntahan na ng Miss Universe organizers at ng reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach ang nasabing mga lugar kasama ang DOT at maging ang dating gobernador ng Ilocos Sur na si G. Chavit Singson lulan ng private plane ng huli.
   
The other Thursday evening ay nakita mismo namin si Pia Wurtzbach at mga taga-Miss Universe sa Conrad Hotel (near MOA) kung saan sila naka-billet.  Kagagaling lang nila noon sa Cebu for ocular inspection.
   
Tiyak na magiging tight ang security sa mga lugar na pagdarausan ng Miss Universe pre-pageant at coronation night at sa mga lugar na dadayuhin ng mga kandidata numbering to more or less 96 candidates na magdaratingan sa bansa sa Enero 13.
   
Napag-alaman din namin na iku-cover umano ang Miss Universe pageant ng tatlong major TV networks ng bansa – ABS-CBN, GMA at TV5 tulad ng ginawa noon sa huling  laban ni Sen. Manny Pacquiao.
   
Samantala, ongoing naman ang construction sa loob ng Balawarte ni G. Chavit Singson bilang paghahanda sa pagdating sa Vigan ng mga Miss Universe candidates sa buwan ng Enero. The former Vigan, Ilocos Sur governor plays a major role sadarating na Miss Universe pageant.
   
Kahit sa Enero pa gaganapin ang Miss Universe 2016, pampered na ang Miss Universe organizers kay G. Chavit who provides the group with a private plane and accommodation.  Sa Maynila ay may gamit na silang customized Miss Universe bus na may sariling toilet at ibang amenities.  Nakahanda na rin ang Boeing 747 148-seater plane ni G. Chavit bukod pa sa paparating na luxurious 3-decker 200 passenger made in Italy yatch (first in Asia) at 29 other new buses na gagamitin ng Miss Universe candidates and party habang sila’y nasa Pilipinas. 
   
Ito marahil ang kauna-unahang pagkakataon na makaka-experience ng ganito ka-spoiled ang mga kandidata at maging ang namumuno ng Miss Universe.
   
Natutuwa naman ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa pagpayag ni Pangulong Digong Duterte na ganapin sa Pilipinas ang kanyang pagsalin ng korona sa susunod na tatanghaling Miss Universe.
   
Malamang na si Steve Harvey pa rin ang mag-host ng Miss Universe dahil may existing contract pa ito with Miss Universe organization sa kabila ng pag-ayaw ni Pangulong Digong.

MCCOY, ’DI PA NILILIGAWAN SI ELISSE

KUNG gagawing loveteam ng ABS-CBN ang tambalang Elisse Joson at McCoy de Leon, tiyak na susuportahan ito ng mga tagahanga.  Ang team-up ng dalawa ay nagsimula nang sila’y kapwa mapabilang sa PBB: Lucky 7 bilang housemates.
   
Si Elisse ay naging kasintahan ng isa pang Kapamilya actor na si Jerome Ponce na sinubukan pang makipagbalikan sa young actress pero ito’y hindi na tinanggap ng una.
   
Naging close sina Elisse at McCoy sa loob ng PBB house at nanatiling close ang dalawa sa labas ng Bahay ni Kuya.  Pero wala pa umano sila sa stage na ligawan.
   
Ayon na rin sa Hashtags member na si McCoy, kung sakali man daw ligawan niya si Ellise ay magpapaalam muna siya sa ina ng young actress.

ALDEN, MAGHO-HOST SA 21ST ASIAN TV AWARDS

ANG Pambansang Bae at other half the phenomenal pair na AlDub na si Alden Richards ang napisil para isa sa mag-host ng ika-21st Asian Television Awards na gaganapin sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Center on December 2.  Makakasama ni Alden sina Adrian Pang, Stephanie Carrington at Baki Zaimal bilang co-hosts.
   
Honored si Alden na sa dinami-dami ng mga Filipino TV and movie personalities ay siya ang na-single out to host one of the most prestigious annual events in Singapore.
   
Magkakaroon ng chance ang Pinoy audience na mapanood ang 21st Asian Television Awards dahil ito’y ipapalabas (delayed telecast) ng GMA on Decembr 11, 9:30 p.m.
   
Sayang naman at hindi kasama ni Alden ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.
   
Ang kasikatan ni Alden ay nag-zoom nang ito’y aksidenteng ipareha sa noo’y Dubsmash Queen na si Maine na bagong pasok pa lamang noon sa `Juan for All, All For One’ (sugod-bahay) kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paola Ballesteros ng longest noontime show na “Eat Bulaga.”