4,798 guests

3 foreign drug couriers inaresto sa NAIA

  • Written by People's Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 365

Tatlong dayuhan, na kinabibilangan ng isang Russian citizen at dalawang Hong Kong national, ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa pagdadala ng high-grade cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, kamakalawa ng gabi.

Ang tatlong suspek na nadakip ng pinagsanib na puwersa ng NAIA Interdiction Task Group ay sina Chan Kawai at Pau Homanevan, kapwa Hong Kong citizens, na may bitbit ng tig-siyam ng kilo ng powdered cocaine sa kani-kanilang bagahe at ang Ruso na si Kirdyushkin Yury, na nahulihan ng 7.4 kilos ng powdered cocaine at 2.5 kilos ng liquid cocaine sa kanyang maleta.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Enforcement Arnel Alcaraz, ang tatlo ay sakay ng Emirates Airline flight 332 mula sa Dubai.

Ayon naman kay Alcaraz, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa United States Drug Enforcement Agency (USDEA) na  may tatlong drug mule na papasok sa bansa na nagmula sa Brazil kaya agad nitong itinimbre sa mga kasamahan niya sa NAIA Interdiction Task Force, na kinabibilangan ng Customs police, immigration, PDEA at police personnel ang mga paparating na drug courier.

Aktong kinukuha ng mga suspek ang kani-kanilang mga bagahe nang sila ay arestuhin ng mga awtoridad at dalhin sa immigration office para imbestigahan.

Tinatayang nagkakahalaga ng P120 milyon ang mga nakumpiskang high- grade cocaine sa tatlong dayuhan.

Naniniwala si Alcaraz na dahil sa puspusan ang kampanya ng Duterte administration laban sa droga  at hirap nang makabili ng shabu sa mga lansa-ngan, kaya ipinapasok na ngayon sa mga airport ang bawal na gamot na galing sa ibang bansa.
   
Pahayag pa ni Alcaraz, sinuman ang magtatangkang magpasok ng ba-wal na gamot sa bansa sa pamama-gitan ng paliparan ay handa sila para arestuhin ang mga ito.
   
“We will be there waiting for them,” ani Alcaraz.