5,917 guests

Vina at bagong BF, napag-uusapan na ang kasal

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 535
Vina Morales Vina Morales

UNTI-UNTI nang nalagpasan ni Vina Morales ang pinaka-matinding pagsubok sa kanyang buhay.

Naiibsan na ang malaking takot sa dating karelasyon dahil sa kanyang anak na si Ceana bagama’t iniiwasan na niyang pag-usapan ito. Ang importante, malaya na siyang umibig muli. Natagpuan na niya ang lalaking posibleng makasama niya habambuhay. Isa itong guwapong businessman na ipinakilala sa kanya ni Gov. Chavit Singson na malamang na maging ninong nila sa kasal in the near future.

Pero bago ang usapang kasalan, mas pinagtutuunan ni Vina ang kanyang “Vina at 30” concert sa Kia Theatre ngayong Oct. 14 ng gabi. Si Johnny Manahan ang director ng star-studded comeback concert ni Vina.

Sa pagbabalik ni Vina sa concert scene, may mga kaibigang magbibigay ng suporta tulad nina Robin Padilla, at pamangkin nitong si Daniel Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, G Force at mga nakasama niya sa teleseryeng “Born for You” na sina Ariel Rivera, Ayen Munji-Laurel, at sina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Sa kabila ng pagiging abala sa showbiz, may panahon pa rin siya sa negosyo. Tinutulungan naman siya ng mga kapatid na sina Shaina Magdayao at Ate Sheena Moreno sa pangangasiwa ng Ystilo Salon na may marami nang sangay sa buong ‘Pinas.

“Mahilig talaga akong mag-business, “kuwento niya. “Nag-umpisa ako sa pagbebenta ng kikay kits, tapos, nag-poultry ako (sa Cebu) at trucking business pero nalugi lahat, bago ako nagtagumpay sa Ystilo Salon. At meron na rin kaming sariling brand ng stylish clothes. Mahilig kasi kaming magkakapatid na magbihis, at magpaganda.”

YASSI, IPINAGTANGGOL ANG KAPATID

HINDI lang natupad ni Yassi Pressman ang pangarap niyang makapasok sa bakuran ng Kapamilya network, nakasama pa niya ang Idolo ng Masa na si Coco Martin.
   
“I didn’t exactly mention Coco’s name dahil alam kong magiging mahirap iyon. Pero, nang malaman kong isasalang ako sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ I was really excited. Sobrang iyak ko nang mapanood ang first few scenes ko. Even my dad, who’s my strongest supporter, cried, too.”
   
Meanwhile, itinanggi ni Yassi ang tsismis na ang younger sister niyang si Issa Pressman ang dahilan kung bakit naghiwalay si Gab Valenciano at misis nitong si Tricia Centenera. “My sister is too young to be involved with such,” depensa ni Yassi. “I have to deny it kasi kawawa naman ang kapatid ko.”
   
Ganito ang sinabi ni James Reid nang mabalita naman na ang nakababata naman niyang kapatid na si Lorraine ang tunay na third party sa hiwalayan nina Gab at Tricia.
   
Sa totoo lang, bukod sa mga bata pa at nagsisimula pa lang sa kanilang showbiz career, parehong ubod ng ganda ang mga nakababatang kapatid nina Yassi at James.

BELA, NAGULAT NANG IBALIK SIYA SA ‘ANG PROBINSYANO’

HINDI na inakala ni Bela Padilla na ibabalik siya sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Gumanap siya bilang si Carmen, asawa ni Ador na kakambal ni Cardo (parehong ginampanan ni Coco Martin). Napatay si Bela (ni Albert Martinez) sa serye.
   
Mahiwaga ang eksena ni Bela kung saan nagmamakaawa siya kay Coco na tulungan siya.
   
Hindi pa ibinubunyag kung ang nasabing eksena ay bahagi ng isang panaginip o nagbabadya ng isa pang trahedya sa buhay ni Cardo.
   
Bukod sa itinuturing siya bilang isang mahusay na aktres ngayon, nakikilala na rin siya bilang scriptwriter. Bela is writing her next script after  “I America”. May mga input din siya sa ilang eksena sa hit movie na“Camp Sawi.”