4,903 guests

Makatao

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 721
Mark Anthony Fer­nandez Mark Anthony Fer­nandez

Touching ang pinu-post na pictures nina Rap at Renz Fer­nandez kasama ang kuya nilang si Mark Anthony Fer­nandez noong mga bata pa sila.

May isang picture na pinost si Rap na kasama nila ang amang si Rudy Fernandez at nakita na­ming kabilang sa mga nag-like sina Zsa Zsa Padilla at Lorna Tolentino. Sa isa pang picture na pinost ni Rap, silang tatlo lang nina Renz at Mark ang magkakasama.

May pinost ding picture si Renz na silang da­lawa lang ni Mark noong mga bata pa sila.

Ang caption ay, “You are in my prayers kind bro­ther.”

Marami ang nagpahatid ng positive messages kay Renz para kay Mark.

Samantala, nag-post naman sa Facebook si Robin Padilla ng isang pasasalamat na buhay na nahuli ang pamangkin na si Mark.

“Purihin ang Panginoong Maylikha mahal kong pa­mangkin... Nakahinga ako nang maluwag at naglu­lumuhod sa pasasalamat sa nag-iisang Diyos na maka­pangyarihan at ikaw ay buhay Mark.

“Hindi kami mapapatawad ng tatay mo kung may nang­yaring masama sa iyo... Sir Bato at sa Angeles Ci­ty PNP, tanggapin po ninyo ang malalim na pasasa­la­mat at pagsaludo ng Padilla family sa propesyonal at makatao na paghuli kay Mark Anthony Fernandez... Alhamdulillah.”

* * *

Natuwa ang mga bisita sa 83rd birthday party para kay German Moreno na ginawa sa Promenade, Green­hills, nang makitang nasa isang table sina Annette Go­­zon at Annabelle Rama.
   
Bukod doon, masaya silang nagkwentuhan at nag­ta­tawanan pa.
   
Hindi lang makalapit ang mga reporter sa dalawa, pero gusto sana nilang malaman kung may chance pang kunin uli ng GMA-7 si Richard Gutierrez.
   
In fairness, very fit at guwapo si Richard nang mag-host ng Miss World Philippines at sayang kung sa mga special show lang siya napapanood.
   
Nalaman pala namin sa anak ni Kuya Germs na si Frederico Moreno na tuloy ang Walk of Fame sa December 1, pero ang screening committee ng Eastwood ang mamimili ng celebrities na isasama sa listahan nito.
   
Nabanggit din ni Freddie na sa babang-luksa ni Kuya Germs sa January 8, 2017, sa Amerika nila ito gagawin dahil naroon ang karamihan sa relatives ng Master Showman.
   
Maiintindihan ito ng mga kaibigan ni Kuya Germs na nandito at karamihan sa kanila, nasa birthday party niya.

* * *

Hindi pa pala okay ang mag-ex na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil may nadaanan kaming picture na palipad sila at mga kasama para sa isang show sa Tawi-Tawi, pero magkalayo ang dalawa.
   
Ang mga kasama nila sa show, may mga picture sa Tawi-Tawi, pero sina Kylie at Aljur, binanggit lang na pumunta sa lugar at kung may pinost mang picture, hindi sila kasama.
   
Curious tuloy kami kung alam ba nilang kasama ang isa’t isa sa pagpunta nila ng Tawi-Tawi?
   
Isa pang tanong, nag-usap man lang ba sina Kylie at Aljur habang naroon sila?
   
Si Louise delos Reyes, isa sa mga rason ng break-up, naka-move-on at mag-boyfriend na, si Champ Lui Pio ng Hale Band.
   
Pero sina Kylie at Aljur, nagpapakiramdaman pa rin kung magbabatian o mananatiling may gap.
   
Anyway, may mga kinilig kina Kylie at Ruru Madrid sa Encantadia. Bagay daw pala ang dalawa at may chemistry.
   
May mga nanghinayang nga na hindi natuloy ang pagki-kiss ng mga karakter nila dahil doon daw mas mapapatunayan kung hanggang saan ang chemistry nila.
   
Try lang kahit ayaw ng fans nina Ruru at Gabbi.

* * *

Proud boyfriend si Paolo Contis sa success ng launching ng MAppPH, isang app para sa mga mommy, kung saan isa ang GF na si LJ Reyes sa mga nasa likod ng proyekto.        
   
Dumalo pa nga si Paolo sa launching at hindi na talaga sila nagtatago ni LJ sa kanilang relasyon dahil mas marami pa siyang pictures nilang dalawa na pinost sa Instagram (IG).
   
Ang ganda ng message ni Paolo kay LJ: “Couldn’t be more proud of you... After months of hard work, finally, nandito na ’yung dream project mo... I know MApp will be very successful kasi galing sa puso mo lahat ng ideas na nilagay mo dito dahil na rin sa pagma­mahal mo kay Aki...
   
“You are a blessing not only to him, but also to the moms (and dads) na matutulungan mo because of MApp.”