4,974 guests

Nganga!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 505

Lovi, pinuluputan ng sawa

SUWERTE naman ng sawang nakapulupot kay Lovi Poe sa cover ng FHM.  Buti na lang, walang takot sa ahas ang Premiere Actress kaya swak ang sawa sa tan na katawan niya.

Eh, sa isang post ni Lovi sa Instagram account, may video sila ng photographer niyang si Mark Nicdao. Dance keti dance sila habang nakasampay sa leeg nila ang sawa, huh!

Selebrasyon nilang dalawa ’yon dahil sa caption ni Lovi, “Because we did it again!” Ayon naman kay Mark, mabigat daw ’yung python, huh!
   
Sa bagong movie ni Lovi na The Escort, sina Christopher de Leon at Derek Ramsay ang lumingkis sa kanya, huh!

* * *

NGANGA pa rin sa trabaho si Kris Aquino. Tanungan ang lahat sa showbiz kung ano na ang nangyari sa sisimulan sana niyang show nu’ng September 22 na siya mismo ang nag-post.
   
September 25 ang huling post ni Kris sa Instagram account niya. Tahimik pa rin ang account niya hanggang kahapon.
 
Sari-saring espekulasyon tuloy ang naglabasan sa pagkakadiskaril ng taping niya. Hanggang kelan kaya makakatiis si Kris?

* * *

MAMI-MISS ni Heart Evangelista ang mga ngiti at halakhak ng kaibigan/protector niyang si Senator Miriam Defensor- Santiago. Naglabas ng video si Heart kasama ang yumaong senadora sa isang biyahe  niya.
   
That time masama ang pakiramdam ng senadora after ng biyahe. “I’m a rockstar but I’m not feeling well…” sabi raw sa kanya ni Sen. Miriam.
   
Pinost din ng Kapuso actress ang ilang masasayang pictures nila ni Sen. Miriam Inilabas din ni Mrs. Escudero ang isang picture ng kanilang chikahan na ayon sa aktres, nang kinunan ang picture nila, “A halo appeared in my screen… Indeed you were and will always be my guardian angel…”
   
“Until we meet again mommy m…” paalam ni Heart sa senadora.
   
Kahapon inilibing si Sen. Miriam sa Loyola Marikina.