4,955 guests

‘Itlog’ ni Heart, walang problema!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 484

Narinig na rin pala ni Heart Evangelista ang tsika na gagawin daw sitcom ang katatapos lang na rom-com series nila ni Dennis Trillo sa GMA-7 na Juan Happy Love Story pero wala pa raw kino-confirm ang network sa kanya.

“May mga tsismis, pero hindi pa naman sure. Pero sana, sure, kasi gusto ko ’yun,” sey ni Heart.

Kahit nga raw asawa niyang si Sen. Chiz Escu-dero ay napansin noon pa na puwedeng gawing sitcom ang nasabing serye.
   
“Sabi niya (Chiz), ‘alam mo, ’yung story ng Juan Happy Love, parang pangmatagalan. Sayang that it has ended. It should be a sitcom.’ Tapos, parang may narinig kami, ganyan.
   
“It makes sense to make it a sitcom. I like it. Kasi later on, if I decided to get pregnant, I could still work,” sey niya.
     
Parang tulad nga rin ni Toni Gonzaga sa Home Sweetie Home na sitcom nila ni John Lloyd Cruz, ganu’n din daw ang gusto niyang mangyari.
     
Speaking of pregnancy, all set na rin talaga si Heart na magka-baby next year. Pero kahit aksidenteng mabuntis siya ngayon (na aniya ay hindi naman daw talaga mangyayari), naka-ready siya.
     
“Right now, I have a meal plan, I have a nutritionist, so in case I get pregnant, I have... parang kumbaga, you’re eating for 2, but you’re eating the right food, not excessive eating, hindi ka tataba. It’s just for you and for your baby, so may mga ganu’n na. So it’s not really so much of my problem kasi there are ways to do it.”
     
Pero aminado siyang medyo scared siya na ma-nganak dahil takot siya sa karayom.
     
“Takot ako sa needle, takot ako sa lahat. Tinang-galan nga ako ng appendicitis, nag-commotion pa ako sa Makati Med, nahiya ako, sigaw ako nang sigaw talaga,” kwento niya.
   
“Maybe kaya may nine months (pregnancy) to prepare you,” dugtong pa niya.
   
Heart is 31 now at kahit marami ang nagsasabi na baka mahirapan na siyang mabumtis, ang example niya ay ang kanyang mom-my na ipinagbuntis siya when she was 36 or 37.
   
“According to the doctor, I’m very like my mom. I can (get pregnant) anytime I want, according to my tests. I’m good anytime. It’s not a problem, my egg counts,” saad pa ng aktres.

* * *

Lahat ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ay dadalo sa first anniversary concert ng show na magaganap sa Araneta Coliseum ngayong October 8.
   
Magmula sa bidang si Coco at Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, Arjo Atayde, Albert Martinez, child stars Simon “Onyok” Pineda and McNeal “Awra” Briguela, John Prats, Jaime Fabregas, Eddie, Garcia, Pepe Herrera and Agot Isidro. Kahit ang mga dating leading ladies na sina Maja Salvador and Bela Padilla ay dadalo.   Lahat sila ay personal na maghahatid ng taos-pusong pasasalamat para sa walang sawang suporta ng mga manonood.
   
Natanong nga si Tita Susan kung ano ang gagawin niya sa concert at natawa ang biyuda ni Fernando Poe Jr.
   
Nagbiro siyang kakanta pero natatawa niyang bawi, “nang magsabog ng magandang mga tinig ang Panginoong Diyos, nakatikom ang bibig ko. Kaya hindi ko linya ang pag-awit.
   
“Basta lahat kami ay pupunta para makisaya at magpasalamat sa isang taon na namin.”
   
Natanong din si Coco kung ano ba talaga rin ang gagawin niya sa concert at aniya ay hindi pa rin niya alam.
   
“Honestly po, hindi pa po namin nadi-discuss kasi binubuo pa lang ng Dreamscape kung ano talaga ang magiging kabuuan ng general concept ng show.
   
“Pero ang na-confirm lang po namin talaga, lahat po ng magge-guest, binubuo po ng creative kung paano mapapasaya ang mga tao,” he said.
   
Well, marami ang humihling na makitang magsayaw sina Maja at Coco at sana’y mapagbigyan nila ito.