5,024 guests

Pa-eklat

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 449

HINDI naman pala totoo ’yung pagkakaroon ng relasyon ng isang aktor at isang female sports celebrity. ’Yung posts ng aktor sa kanyang social media account na kasama ang babae ay eklat lang. Unless type ng aktor gisingin ang pagkababae ng sports celeb, huh!

Iba kasi ang sexual preference ng sports celeb -- babae! 

Lumutang man noon na nagkaroon siya ng boyfriend, hindi rin masyadong nagtagal ’yon. Nadiskubre marahil ng lalaki na tibo ang dyowa, huh!

Maganda kasi ang girl. Pero looks can be deceiving, huh!

After all, may tomboy namang nagbibihis-babae pero babae rin ang type.

* * *

KAPWA ipinapasa-Diyos nina Jay Manalo at Assunta de Rossi ang mga taong umaapi sa kanila. Never silang nagbalak na paghigantihan ang mga taong ’yon.  Revenge kasi ang tema ng movie ng dalawa na Higanti kaya naman naitanong sa kanila ’yon sa pocket presscon ng pelikula.

“Wala ka namang kahihinatnan kung gaganti ka,” sagot ni Jay.

“Saka magiging cycle lang ’yan,” tugon naman ni Assunta.
   
Ayon pa sa aktres, marami nang taong gumawa ng kasalanan sa kanya. “But I’m still here! Kasi pinapasa-Diyos ko talaga. Ako naman, basta wala akong ginawang masama sa kapwa ko, may balik naman ’yan. Without wishing ill sa anyone. May karma rin naman, eh. Minsan may angels tayo na maghihiganti for us,” rason pa ng aktres.
   
Nakaranas kasi ng panlalait si Assunta nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
   
“Wala pa ngang Internet bashing noon, nakaranas na ako ng bashing, hahaha! Grabe!” saad ng aktres.
   
Eh, 11 lahat ang anak ni Jay. Hindi ba niya binibigyan ng advice si Assunta para magkaroon na ng anak kay Jules Ledesma?
   
“Hindi siya dapat ang kausapin ko,” sey ng aktor.
   
“May anak kaya siya (Jules). Paano ’yon? So, ako ’yung may problema,” sabi ni Assunta.
   
“Ah, baka stress lang ’yan! Darating din ’yan,” sabi ni Jay sa kapareha.

Mula sa direksyon ni Rommel Ricafort ang Higanti, na unang ipalalabas sa Hong Kong at Dubai bago dito sa ’Pinas.

* * *

AYAW talagang paghiwalayin ng tadhana sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Wala na silang relasyon and yet, heto’t sila muli ang pinagsasama sa projects.
   
Sa bagong TV series ng GMA na Anything for You, lead stars sina Kristoffer at Joyce. Inaabangan tuloy kung manunumbalik ang kanilang relasyon ngayong madalas silang magkikita sa taping.
   
Tapos, sa episode tonight ng Magpakailanman na Lost Phone, Love Found: the Rowena Gargar & Jaypee Bombales Love Story, sina Kristoffer at Joyce pa rin ang magsasabuhay ng characters ng dalawang nagka-in-love-an na ang isang nawalang cellphone ang naging daan.