5,410 guests

Supalpal!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 738

Sharon: Maldita ako ’pag kailangan

... megastar, 66 lbs. ang na-lose sa siyam na buwan

Supalpal ang bashers ni Sharon Cuneta na nangutya sa kanya na wala na siyang pag-asang pumayat. 

Aba kung makikita in person ang megastar ngayon, malaki na ang nabawas sa timbang niya.
   
Sixty-six pounds na raw ang nawala sa loob ng siyam na buwan.
   
“Understandable naman ’yon. Alam n’yo, sa dami ng dinaanan ko na hindi n’yo alam, hindi ako nagpapaka-Santa or anything kasi maldita ako ’pag kailangan, ’di ba?
   
“You’re just being yourself. I’m a basically nice and sincere person. I don’t need to change myself. I’m too old for that.
   
“We have to understand where they are coming from. Sometimes they say painful things. It’s like the way your friends would joke about other people.
   
“That’s why iniisip ko na lang na nagpapatawa sila. Ako nga, hindi ko akalain na pumayat uli, hahaha!
   
“So I think I challenged myself. I wanted to see if I still can do it. That’s one other thing,” paliwanag ni Sharon nang humarap sa showbiz media para sa concert niyang Sharon sa The Theater sa Solaire Resorts and Casino sa October 15 and 22.
   
Hindi niya raw alam kung may bashers pa siya.
   
“Wala akong pakialam! Basta ako, pumayat na. May concert tayo. Kung nagba-bash pa rin sila, kaawaan na lang natin. Wala na silang activity, hahaha!" rason ni Shawie.
   
Alam niya na may bashers na intensyong siraan siya at meron naman na dahil may gustong ibang artista.
   
“Meron namang walang intensyong manakit. Nagpapatawa lang. Live and let live na lang. Ako, I focus on myself na lang. But just don't deprive yourself if you want to lose weight,” saad ng megastar.
   
Sa tulong ng mga anak ay magiging active na sa social media si Shawie.
   
Na-touch at naluha ang megastar nang ipaabot ng editor ng Manila Bulletin kung ano ang achievements ng isang Sharon Cuneta sa showbiz.
   
Niyakap tuloy ni Sha si Jojo Panaligan.
   
“Everything you’ve said is what I was exactly thinking, honestly, and with all humility," at saka tumulo ang luha ni Sharon.