5,122 guests

Payo sa mga gustong magkudeta kay President Rody

  • Written by Allan Encarnacion
  • Published in Opinion
  • Read: 440

HINDI malayo ang posibilidad na may mga grupong nagbabalak ng panibagong kudeta o people power laban kay Pangulong Duterte.

Sa takbo ng mga senaryo, ang pagpuksa sa sindikato ng illegal drugs, ang paglumpo sa mga oligarch, ang pagbasura sa endo, ang pagwalis sa political patronage ay ilan lamang sa mga puwedeng maging mitsa ng ouster move na ang tinitingnang pasimuno ay mga talunan sa eleksiyon.

Ang paglabas ni Edgar Matobato sa international media bago pa man ang kanyang testimonya sa Senado ay pagpapakita na may outside force rin ang nakikipagsabwatan sa domestic forces.
   
Naging headline din sa maraming international media outlets ang testimonya ni Matobato na hindi nangyari noong Mamasapano massacre. Indikasyon ito na ang laman ng balita sa CNN, New York Times, Washington Post at iba pang international media ay nagmula sa feed na galing mismo dito sa atin.
   
Ang pag-iingay ng simbahan na kapanalig ng dating administrasyon, lalo na si CBCP President Soc Villegas ay nagpapakita na may puwersa rin mula sa mga religious group. Idagdag mo pa ang mga sinasabing pagbagsak ng stock market na kasama sa mga senaryo na magsasabing hinihinog sa pilit ang destabilisasyon.
   
Sa mga hindi nagbabasa ng kilos ni Pangulong Duterte, lalo na iyong mga may masamang tangka na patalsikin siya sa puwesto gamit ang artificial chaos, pinapayuhan ko kayo na maghunosdili kayo.
   
Huwag n’yong kakalimutan na ang mandato ni Duterte ay nakabatay sa Saligang Batas na binasbasan ng 16.6 million voters. Mas mataas ito sa naging boto ng mga popular na sina former President Erap at former President Noynoy.
   
Ano ang ibig sabihin nito? Simple lang, lahat ng magiging kilos ni Digong para puksain ang  mga grupong posibleng maglunsad ng rebelyon, kudeta at bogus people power ay pasok sa Konstitusyon.
   
Ang pagkapanalo ni Duterte laban kina Mar Roxas, Jejomay Binay at Grace Poe ay nagpakita na hindi siya  tolongges o amateur politician.
   
Kung lalaliman lamang nila ang tingin sa mga naging kilos ni Digong nang umugong na siya ay kakandidato, hindi sila makakaisip na maglunsad ng destabilisasyon.
   
Sa tingin ko, pagsisisihan nila sa bandang huli ang anumang plano nila kapag sinagot sila ng mga taktika ni Digong na walang sinuman ang makakabasa.
   
Ang mga taong hindi nagbabasa ng sitwasyon ay may maghihintay na kapahamakan. Sinasabi ko na sa inyo na ang kilos ni Duterte mula sa unang araw niya sa Palasyo ay kalkulado niya.
   
Alam niya lahat ang implikasyon at ganansiya sa kanyang mga kilos na hindi kayang gawin ng mga naging lider ng bansa. 10 steps ahead siya sa ating lahat.
   
Tandaan n’yo ito, kahit sinumang pinakamalapit kay Digong ay hindi kayang basahin ang kanyang plano at lalong hindi siya madidiktahan ng anumang gusto niyang gawin.
   
Ang matagal niyang hindi pagkibo kahit nagsalita na si Matobato ng mga kasinungalingan sa Senado at ang biglaang pagsipa kay De Lima sa chairmanship ng bias Justice committee ay taktikang walang nakakaalam until sa mismong araw na mangyayari.
   
Pinapayuhan ko na kayong mga coup plotter o sinumang grupo na bahagi ng planong pagpapatalsik kay Digong, masyado pa kayong bagito para sa isang Pangulo na nagtatrabaho habang  karamihan sa atin ay naghihilik na sa pagtulog.
   
Hindi n’yo magugustuhan ang mangyayari kapag rumesbak si Pangulong Digong sa inyong mga ginagawa kaya please lang, maawa kayo sa inyong mga sarili.
   
Kung hindi n’yo pa nakikitang sinipa ni Duterte si Satanas nang dumating siya sa impiyerno, ako nakita ko na sa aking bolang kristal kaya ang payo ko sa inyo, cool lang kayo bago kayo sabugan ng tumbong sa pagsisisi.

This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.