6,979 guests

Jennifer, alam na maghihiwalay sina Brad at Angelina

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 717
Jennylyn Mercado Jennylyn Mercado

NAGING malaking shock sa Hollywood, sa buong Amerika at maging sa buong mundo including the Philippines ang paghihiwalay ng mag-asawang Brat Pitt at Angelina Jolie na nag-ugat umano sa kakaibang behavior lately ng actor. Nag-file for divorce si Angelina sa isang Los Angeles court last Monday, September 19.  May anim silang anak – three biological children at tatlong adopted kids. Kung matatandaan pa, na-kipag-divorce si Brad sa kanyang ex-wife actress na si Jennifer Aniston nung 2005 dahil kay Angelina. Nagkasama sina Brad at Angelina sa pelikulang “Mr. & Mrs. Smith” kung saan umano nagsimula ang love affair ng dalawa.

Devastated si Jennifer pero naka-move on din kalaunan. May bago na rin itong mister ngayon, si Justin Theroux.

Hindi siyempre nabigla si Jennifer sa break-up nina Brad at Angelina dahil alam umano niya na mangyayari rin ito sa couple.

Dahil umano ito sa verbal abuse ng actor. Madalas din daw mag-away ang mag-asawa na nasaksihan ng mga bata.

Hinihingi ni Angelina ang full custody ng kanilang anim na anak, pero mukhang hindi papayag si Brad na very close din sa mga ito.

BRYAN, INAABANGAN

NGAYON pa lamang ay excited na ang mga fans ng international music icon na si Bryan Adams sa nalalapit nitong concert sa Araneta Coliseum sa January 18, 2017 na may kinalaman sa kanyang “Get Up” World tour para sa kanyang 13th studio album na may ganoon ding pamagat.

Kahit ang mga bagong songs ng kanyang latest album ang kakantahin ni Bryan, tiyak na hindi nito ipagkakait sa kanyang Filipino fans ang pag-awit ng kanyang mga classic songs tulad ng “I Finally Found Someone,” “All for Love,” “Summer of 69,” “Heaven” at iba pa.

SARAH, MALAKI ANG LABAN SA MTV EUROPE MUSIC AWARDS

MAULIT kaya ang panalo ng Pop Princess na si Sarah Geronimo na manalo sa ika-2016 MTV Europe Music Awards para sa Best Southeast Asia Act Category na nakuha niya noong 2014?
   
Nominado na naman si Sarah for the same category this year alongside other nominees from Vietnam, Singapore, Indonesia, Thailand at Malaysia.
   
Nominado rin ang Viva artist at YouTube blogger na si Donalyn Bartolome. Kung pagbabasehan ang online votes, malaki ang laban ni Sarah sa Worldwide Act: Asian Category kung saan naman niya makakatunggali ang ibang nominees from Japan, Taiwan, China at Hong Kong.
   
Noong isang taon ay na-nominate si James Reid para sa kanyang awiting “Till I Met You” pero natalo siya ng nominee from Vietnam na si Tung M-TP.
   
Tiyak na hindi magpapabaya ang mga fans ni Sarah all over the world na ipaglaban siya sa pamamagitan ng online voting.

BONG, ’DI NATUPAD ANG BIRTHDAY WISH

NGAYONG araw ng Linggo, September 25 ang ika-50th birthday ng dating senador na si Bong Revilla. Bago dumating ang kanyang golden birthday ay inasam niya sa sana’y makalabas na siya ng kanyang detention cell sa Camp Crame kung saan kasama niya ang kanyang  kaibigan at dating kasamahan sa Senado na si Jinggoy Estrada.
   
Mahigit dalawang taon na ring naka-detain sa Custodial Center ng Camp Crame ang magkaibigang Bong at Jinggoy pero hindi sila bumibitaw sa panalangin na sila’y makakalaya rin balang-araw at mapapawalang-sala sa mga kasong ibinato sa kanila. 
   
Tiyak na dagsa sa Custodial Center ng Camp Crame ang pamilya at malalapit na kaibigan ni Bong ngayong araw ng kanyang kaarawan.

TACLOBAN, MABILIS ANG PAGBANGON

SA darating na Nobyembre ay magta-tatlong taon na ang pagragasa sa Eastern Visayas including Tacloban ng matinding bagyong Yolanda na kumitil ng libu-libong buhay at sumira ng mga kabahayan, hanapbuhay at infrastructure ng siyudad maging ang ibang mga karatig na lugar.
   
May ilang beses na kaming nagpabalik-balik ng Tacloban after the `killer’ Yolanda at masasabi naming napakabilis ng pag-ahon ng siyudad sa tulong na rin ng dating alkalde ng city na si Alfred Romualdez at ng Taclobanons na rin.
   
Except for a few remnants ng Yolanda, masasabing balik sa pagiging progressive ng Tacloban City dahil na rin sa magkatuwang na  effort ng mag-asawang Alfred at misis nitong si Kring-Kring Gonzales-Romualdez na siyang nakaupong mayor ngayon ng Tacloban matapos ang tatlong termino ni Alfred.
   
Ang Tacloban City ang sentro ng negosyo sa buong Eastern Visayas, kaya nang ma-cripple ang Tacloban dahil kay Yolanda, buong Eastern Visayas ang naapektuhan.
   
Pero matagal na ring bumalik sa normal ang buhay at kalakaran ng siyudad na siya ring pinagmulan ng dating Unang Ginang at ngayon ay kinatawan ng Ilocos Norte na si Madame Imelda Romualdez-Marcos, kapatid ng dating mayor ng siyudad na si Bejo Romualdez, ama ng mister ni Mayor Kring-Kring Romualdez na si dating mayor Alfred Romualdez na parehong nagsilbing mayor ng siyudad sa loob ng tatlong termino o siyam na taon.