5,921 guests

Piolo, puntirya ni Charo

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 393

It took Charo Santos-Concio 17 years para makagawa ulit ng pelikula at masasabing sulit na sulit ang paghihintay dahil ang comeback film niyang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz ay kasalukuyang tumatanggap ng worldwide recognition at nag-uwi ng prestihiyosong Golden Lion Award sa katatapos lang na 73rd Venice Film Festival.

Sa presscon kahapon para sa naturang pelikula, ayon kay Charo, hindi niya inaasahang manalo ng acting award when she did the film.
   
“’Yung pagkakapanalo, parang bonus na ’yun, eh. Like nag-usap kami ni Direk Lav nu’ng March, gumawa kami ng pelikula nu’ng Mayo, hindi naman namin inisip na mapipili siya sa Venice Film Festival at lalong hindi namin inisip na mabibigyan siya ng best film, Golden Lion award.
   
“So, that has never been my motivation. If it’s there, it’s an affirmation of the hard work that you’ve done. Pero hindi dapat ’yun ang tinitingnan,” pahayag ng dating presidente at CEO ng ABS-CBN.
   
Kasama rin si John Lloyd Cruz sa movie, pero hindi ito napabalitang masyado until recently nang makita na lang ang aktor na lumalakad sa red carpet with Charo.
   
Sa paliwanag ni Charo, sinadya ni Direk Lav na ilihim na kasama sa cast si Lloydie.
   
“That was really part of the plan. Pinakiusapan talaga kami ni Direk Lav not to talk about John Lloyd’s role in the movie kasi we didn’t want to preempt nga the premiere screening. Kasi, naiiba talaga ’yung ginampanan niya.
   
“Now the cat is out of the bag, he’s really great in this movie.”
   
How was it working with Lloydie na isa sa dekalibreng aktor ngayon?
   
“Naku, talagang ano, si John Lloyd, seryosong-seryoso sa craft niya. Hindi mo makausap kahit na lunch break. He’s in character. The moment that he’s done for his make-up, in character na siya. Hindi mo na siya makakausap bilang John Lloyd.
     
“He was in character all the way up to the last shooting day. Basta naka-make-up na siya, in character na siya. Tapos magbabalik lang siya sa pagiging John Lloyd kapag nakaligo na siya, nagpalit na siya into regular clothes. Doon mo lang siya makakausap na John Lloyd.”
     
Natanong din si Charo kung ano ang naramdamam niya na ang Ma’Rosa ang napili sa Oscars for the best foreign language film category at hindi ang kanilang pelikula.
     
“Siyempre, it would have been great if our film was chosen, pero iba-iba ang panlasa ng tao, eh. Iba-iba ang panlasa natin and you accept that. Kung hindi napapanahon, di hindi. May pagka-philosophical kasi ang pagtingin ko sa buhay, eh. Kung hindi nauukol, eh, di hindi naman. You just go with the flow and move on and we just be all happy for Ma’Rosa,” she said.
     
Ipinaliwanag ni Ronald Arguelles, isa sa producers ng pelikula, na may chance pa rin naman na ma-nomimate si Charo for best actress sa Oscar’s at ’yan ay kung magkarooon sila ng screening sa US.
   
Sa ngayon, ito na raw ang inaayos nila.
   
Asked kung magtutuluy-tuloy na ba ang paggawa niya ng pelikula, aniya, depende sa materyales.
   
“Sabi ko nga, open ako sa isang kilig. Sana, mapansin na ako ngayon ng Star Cinema, ano? Siguro naman, papansinin na nila ako ngayon,” natatawang sabi ni Charo.
   
Sino ang gusto niyang aktor na makasama sa susunod na project niya? Tila kinikilig na sagot ni Charo, si Piolo Pascual.
   
Showing sa Sept. 28 ang Ang Babaeng Humayo.        
   
Kasama rin sa cast sina Michael de Mesa, Shamaine Centenera-Buencamino, Kakai Bautista, Nonie Buencamino, Mae Paner, Mayen Estanero at marami pang iba.