6,014 guests

Nag-react

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 2

Sen. Kiko, to the rescue kay Sharon sa isyu ng Bilibid concert

... Mocha at Ethel Booba, dedma!

Nabanggit si Sharon Cuneta ng isang witness laban kay Sen. Leila de Lima na nag-concert daw sa New Bilibid Prison.
    
Hindi si Sharon ang nagpaliwanag kung bakit nasa NBP siya noong July 10, 2012, kundi ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan.
    
Mabilis ang reaction ni Sen. Kiko dahil habang umeere pa ang newscast ng mga network, may sagot na siya sa isyu.
    
Inilabas ni Sen. Kiko ang paglilinaw sa official website niya: “On July 10, 2012, Sharon went to the New Bilibid Prison for the taping of her talk show, Kasama Mo Kapatid which had an episode featuring the life of inmates.
    
“She sang four songs for the closing portion, which is the customary format of the show. She sang Maging Sino Ka Man, Tubig at Langis, Kahit Konting Pagtingin and Kahit Maputi na ang Buhok Ko, but only to support RockEd’s outreach program for prisoners.
    
“However, if people who heard the testimony at the House this morning are interested, my wife will have a special concert on October 15 and 22, 8 p.m., at the Theater at Solaire.
    
“We are sure that the concert will be livelier and more enjoyable than the outreach program in Bilibid.”
    
Ang ibang nabanggit na nag-concert sa NBP, gaya nina Mocha at Ethel Booba, wala pang pahayag tungkol sa isyu.

* * *

Na-feature na naman si Miguel Tanfelix sa newspaper sa Indonesia and this time, front page siya kasama ang ilang Indonesian stars.  
    
Kaya nagpasalamat si Miguel sa Zetizen Newspaper at na-feature siya dahil magaling siya sa Musical.ly.
    
Unang sumikat sa Indonesia si Miguel dahil sa pagda-dubsmash at ang alam namin, he was invited to visit Indonesia to meet his fans.
    
Last year pa ’yun, bakit kaya hindi natuloy? Aliw ang request ng fans na ’wag niyang isama sa pagpunta ng Indonesia ang ka-loveteam niyang si Bianca Umali dahil nagseselos sila.
    
Samantala, featured sa pilot episode ng Usapang Real Love o URL na Dream Date sina Miguel at Bianca.
    
Tampok sila sa four episodes na magsisimula sa September 25, 5 p.m. Interactive drama ang tawag sa bagong show na ito ng GMA-7.
    
Si Miguel ay si Diego Cablao, isang chef, at si Bianca ay si Grace Manalo, isang hopeless sweet at pretty baker ng Snap Sweets Bakery.
    
Kasama rin sa cast si Jak Roberto at sana, hindi siya nakahubad sa kanyang mga eksena.

* * *

Si John Arcilla ang nanalong best actor sa 34th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP) para sa pelikulang Heneral Luna.
    
Ang ganda ng ngiti ni John habang hawak ang kanyang trophy. Si John ay napapanood sa Encantadia bilang ang malupit na si Hagorn.
    
Samantala pinarangalan at tumanggap ng recognition si Jaclyn Jose mula  sa FAP dahil sa mahusay na pagganap sa Ma’Rosa, kung saan nanalo siyang Cannes best actress.
    
Ang Ma’Rosa rin ang napili ng FAP na official entry ng bansa sa Oscars.

Napapanood si Jaclyn sa Alyas Robin Hood bilang ina ni Dingdong Dantes at sa sexy comedy show na A1 Ko sa ’Yo, parehong sa GMA-7.   

* * *

Dumating sa bansa ang Bollywood stars na sina Kunal Kapoor at Amyra Dastur para mag-promote ng Zee Sine na napapanood sa Channel 19 ng Cignal TV.         
    
Tinawag na Zee Sine Bollywood na Tayo! ang campaign para hikayatin ang Pinoy viewers na panoorin ang different genre ng Bollywood movies.
    
Maganda ang ginawa ng Cignal VP/Head of Channels Management na papuntahin sa bansa sina Kunal at Amyra para sila na ang personal na mag-imbita sa mga Pinoy.
    
Isa pang maganda sa pagdating nila ay nakakita ang mga Pinoy ng Bollywood stars sa personal at hindi lang sa TV, sa picture at sa Google.
    
Nag-mall show din ang dalawa sa SM Megamall at isang malaking tagumpay ’yun. Ang wish ng audience, mag-imbita pa ang Zee Sine ng ibang Bollywood stars, ’yung may pelikulang ipalalabas sa Cignal TV para maka-relate ang Pinoy fans.