5,049 guests

Alden, ’di nagkamali ang namayapang ina

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 654
Alden Richards Alden Richards

HINDI nagkamali ang namayapang ina ni Alden Richards na si Gng. Rosario Reyes-Faulkerson sa kanyang pagnanais sa kanyang second son na si Alden Richards (Richard Reyes Faulkerson, Jr. in real life) na itulak itong mag-artista.

In 2009, napiling Ginoong Sta. Rosa (Laguna) si Alden na sinundan ng kanyang pagiging Ginoong Laguna noong 2010.

Unknown to many, si Alden ay nag-audition sa ika-5th edition ng Starstruck reality show ng GMA at maging sa PBB: Teen Clash edition ng ABS-CBN kung saan pareho siyang hindi pinalad na makapasok.  Pero hindi dito nagtapos ang kanyang karera.  Muli siyang nag-audition sa TV series ng Kapuso Network na “Alakdana” and this time ay sinuwerte siya at dito na nagtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career.

Ginawaran siya ng award bilang Best New Actor ng Golden Screen Awards ng Entertainment Press at Best Actor for TV ng PMPC Star Awards dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa papel ni Dr. Jose Rizal sa “Ilustrado” produced ng GMA News & Public Affairs.

Ang kanyang self-titled debut album under Universal Records ay nakapasok sa No. 10 position ng Billboard’s World Albums.  Ang Billboard Magazine ay siyang itinuturing na bible ng music industry sa buong mundo.
   
Noong isang taon, kinuha si Alden ng “Eat Bulaga” para maging bahagi ng “That’s My Bae” segment ng programa. Pero ang pag-imbulog sa kasikatan ni Alden ay nangyari noong July 16, 2015 sa accidental team-up nila ni Maine Mendoza sa “Juan for All, All For One” segment ng noontime show kung saan bagong pasok lamang noon  sa segment ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.
   
Si Joey de Leon ang nag-isip ng titulong “Kalyeserye” ng “Eat Bulaga” at dito nabuo ang phenomenal pairing nina Alden at Maine na nauwi sa tunay na relasyon ng dalawa.
   
Ngayon, abot na sa mahigit 40 ang kanyang mga product endorsements at multi-platinum na ang kanyang dalawang albums na “Alden Richards” under Universal Records at “Wish I May” under GMA Records at labas na rin sa market ang kanyang pangatlo at second album under GMA Records, ang “Say It Again”.
   
Top-seller din sa mga bookstores ang kanyang librong “Alden Richards: In My Own Words” published and released ng Summit Media.
   
Kung maganda ang takbo ng career ni Alden, ganoon din naman sa usaping puso dahil noong nakaraang September 1, 2016 ay pormal na siyang sinagot ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.
   
Si Alden ay lumagda ng four-picture contract with APT Entertainment, sister company ng TAPE, Inc. na siya namang producer ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga”.
   
Itinuturing na isa sa hottest male stars ngayon si Alden.
   
Samantala, may special participation si Alden sa “Encantadia” na katapat ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin sa ABS-CBN.

MGA BAGUHANG PRODUCER, UMAASA

UMAASA ang mga baguhan (at batang) producers ng Cineko Productions na makalulusot sa darating na 2016 Metro Manila Film Festival ang kanilang debut movie na “Mang Kepweng Returns” na pinagbibidahan ng dancer-turned comedian-TV host na si Vhong Navarro na pinamamahalaan ni GB Sampedro.
   
Nakita namin ang pagiging passionate at pagiging hands-on ng mga tao sa likod ng Cineko Productions dahil lahat ng aspeto ng production ay kanilang pinag-aaralan.
   
Ang “Mang Kepweng Returns” ay remake ng pelikulang unang pinasikat at pinagbidahan ng yumaong komendyanteng si Chiquito na isa sa mga iniidolo ni Vhong bilang komedyante.

BUSINESS NI JOHN, MAY PROBLEMA?

ANO na kaya ang nangyari sa water bonsai business na itinatag ng actor na si John Regala along with his business partners?      
   
Although kailangan pa namin itong kumpirmahin kay John, napag-alaman namin na kumalas na umano sa grupo ang financier at isa sa mga incorporators ng kumpanya.
   
Speaking of John, napakaganda ng kanyang brief stint sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil napakamarkado ng kanyang ginampanang role bilang isang corrupt na kongresista na may pinatatakbong sindikato.
   
In terms of acting, napakahusay talaga ni John laluna when he is acting out a bad guy o kontrabida role.

PANALANGIN PARA KAY FANNY

HUMIHINGI ng dasal ang pamilya at malalapit na kaibigan ng kilalang make-up artist, salon owner at fashion-designer na si Fanny Serrano na isinugod sa Philippine Heart Center matapos umano itong atakehin sa puso.
   
Kasalukuyang  ino-obserbahan ng mga doktor ang lagay ni Fanny.
   
JENNYLYN AT DENNIS, SMOOTH-SAILING

KUNG hindi nagtagal ang balikan ng estranged sweethearts na sina Luis Manzano at Angel Locsin, mukhang smooth-sailing naman ang balikan blues sa pagitan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na magkasundung-magkasundo ngayon lalo na sa kanilang hilig pareho sa sports.

Sina Jennylyn at Dennis ay parehong may tig-isang anak na lalaki sa kani-kanilang past relationships.  Si Dennis ay may Calyx sa ex-GF niyang si Carlene Aguilar at si Jennylyn naman ay may Alex Jazz sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia. Sina Carlene at Patrick ay kapwa may asawa na ngayon.
   
Kelan naman kaya susunod sina Dennis at Jennylyn na magkaroon ng sariling anak?, (Di ba dapat kasal muna?--Ed.)