6,415 guests

Worker bugbog sa 3 lalaki dahil sa masamang tingin

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 196

PINAGTULUNGANG bugbugin at pagsasaksakin ng tatlong kalalakihan ang isang construction worker na umano’y nakursunadahan dahil lamang sa umano’y masamang tingin kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Kasalukuyang nakaratay pa sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Je-Ar Fuentes Dacles, ng Pansol 1, Old Balara, Quezon City, sanhi ng tinamong mga pasa at tama ng saksak sa likod.
     
Sa ulat ni SPO1 Josefino Pagtama ng Valenzuela police, naglalakad ang biktima at ilang kasamahan sa trabaho dakong alas-4 ng madaling araw sa Hulo St., Bgy. Bignay, nang mapadaan sa isang grupo ng kalala-kihan. Isa sa mga lalaki ang pasigaw na nagtanong sa biktima kung bakit masama ang kanyang tingin.
 
Hindi naman pinansin ng biktima ang mga kalalakihan upang makaiwas sa gulo subalit hinabol siya ng tatlo sa grupo at nang ma-korner ay pinagtulungang gulpihin at saksakin.
     
Natigil lamang ang panggugulpi nang maglabasan ang ilang residente sa lugar kaya’t nagsitakas ang mga suspek.