7,050 guests

Alex, niluwagan ng ina

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 424

Rufa Mae, maselan ang pagbubuntis

Dahil nga loveless si Alex Gonzaga ngayon, aniya ay nag-i-entertain siya ng suitors at sa ngayon, may dalawa raw na guy na binibigyan niya ng chance.
 
“’Pag nakita ko na may chance, binibigyan ko sila ng time para lalong ipakilala ang sarili nila. Pero ’pag nakikita kong wala, talagang kina-cut ko na agad.
   
“So, as of now, dalawa sila na binibigyan ko ng chance,” pag-amin ni Alex.
   
Ang isa ay inamin niyang si Joseph Marco na leading man niya sa My Rebound Girl movie nila under Regal Films, at ang isa naman ay non-showbiz guy.
   
Hindi nga lang niya alam kung magiging persistent ang dalawa till the end kaya wait and see na lang daw muna ang drama niya.
   
Inamin din ni Alex na hindi na ganu’n kahigpit sa kanya ang inang si Mommy Pinty.
   
“Parang medyo lumuwag na siya, so parang nakita lang natin na hinintay lang niyang magpakasal ang ate (Toni Gonzaga) ko,” pagbibiro ni Alex.
   
“Hindi, parang mas ano na siya ngayon, kasi siguro, nasa tamang edad na rin naman ako, pero strict pa rin siya pagdating sa curfew, tapos ’pag meron akong pinapakita sa kanya na ‘eto, mayroong nagpapa-cute sa akin,’ ’pag alam kong hindi pa rin niya approve, hindi ko na rin talaga itutuloy,” dagdag niya.
   
Aminado si Alex na tulad ng kanyang Ate Toni, gusto na rin niyang matagpuan ang Mr. Right sa buhay niya. Gusto raw niya, ’pag nagka-boyfriend siya, siya na ’yun.
   
“Alangan namang gusto kong magpapalit-palit,” natatawa niyang sabi.
   
“Siyempre, gusto mo na may makasama ka na at talagang may magtitiis sa ’yo, at may tatanggap sa iyo at may magtatagal talaga sa ’yo at ’yung talagang walang balak na iwan ka. So, ’yun talaga ang gusto mong makasama,” sey pa ni Alex.

* * *

Inanunsyo na ng sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto that she’s 17 weeks (4 months) pregnant sa kanyang fiance na si Trevor Magallanes.
   
Sa Rated K ni Korina Sanchez aired last Sunday umamin si Rufa and revealed na medyo sensitibo ang kanyang pagbubuntis.
   
“Nag-spotting ako nu’ng 2nd month ko, naospital ako ng apat na araw. Kasi nga, tumakbo ako. Hindi ko naman alam na bawal palang gumalaw nang gumalaw ’pag buntis ka.
   
“Kailangan lahat, dahan-dahan lang. ’Di ka nga pwede yumuko basta, eh,” sey ni Rufa.
   
Aminado rin ang sexy comedienne na ninerbyos siya na baka hindi na niya mabigyan ng anak ang mapapangasawa since 38 na raw siya.
   
Kaya naman sobrang blessing daw talaga ito para sa kanya.
   
“Ito ’yung moment na araw-araw, wala kang emptiness ever. Kasi parang alam mong may kasama ka, eh. ’Yung kahit mawalan ka ng gagawin, kahit kayong dalawa lang, puwede mo siyang kausapin, ‘hello there, anak,’ ganyan,” she said.
   
Para kay Rufa, masasabi niyang ito na raw talaga ang simula ng “todo na ’to!” na as we all know ay expression na pinasikat niya.
   
“When it rains, it pours, ’di ba?” sey pa niya.
   
Sa November this year nakatakdang ikasal si Rufa sa kanyang Fil-Am fiance. Few days ago ay nag-post siya ng larawan habang nagsusukat siya ng wedding ring.