5,717 guests

Vina, natawa sa isyu nila noon ni Donna!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 367

Ayon kay Vina Morales, sa 30 years niya in the business ay marami-rami na rin siyang intrigang napagdaanan when she was younger at kapag naiisip niya ngayon lahat ’yun, natatawa na lang daw siya.

“Kung titingnan ko nga-yon, ’yung mga napagda-anan kong intriga, napaka-light lang lalo na nu’ng mga Viva days, kami nina Dons (Donna Cruz), eh, ngayon barkada ko na si Dons, eh. Nagkikita kami parati ’pag nasa Cebu ako. So we’re very good friends.
   
“’Yon ’yung para sa akin siguro, those times, parang ‘oh my God, ba’t pinag-aaway kami?’ ’Yung ganu’n, eh wala namang ganu’n na nangyayari sa amin.
   
“So, para sa akin, dahil sa medyo mababaw pa ang aking nararamdaman at teenager pa lang ako, affected ako that time. But if I think about it now, naku, parang napakaliit lang ng problemang ’yun sa mga pinagdadaanan ko ngayon na mas malalaking problema,” pahayag ni Vina.
   
Para sa singer/aktres, kung siya ang tatanungin, ang pinakamabigat na problema o intrigang pinagdaanan niya ay itong pinakahuli involving the father of her child, Ceana, na si Cedrick Lee.
   
“And maybe years from now, I will just laugh at it na parang ‘ay, ’yun pala ’yun,’” she said.
   
Ayon pa kay Vina, lumaban siya at patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay sa kanya.
   
“For 30 years in the business, hindi po ako lumaki na maging showbiz na tao, hindi ko ugali na gumagawa ng intriga para pag-usapan. It’s not my character. Kung meron mang bumabato sa akin or gusto akong intrigahin para lang gamitin ang pangalan ko, eh, hinahayaan ko ’yun and I don’t really answer back.
   
“Wala naman akong naagrabyado, hindi naman ako problema sa trabaho, wala naman akong naging kaaway dito sa showbiz in 30 years.
   
“But you know, there are times na ’pag medyo napupuno ka na at kailangan mo ring lumaban, kasi kung hindi ka lalaban, hindi titigil.
   
“So, if I need to fight back and I am fighting back, I’m just always waiting for the right time and I’m just so thankful that I have the right people beside me to fight with me, and right now, lahat naman ng nangyayari ngayon, I just leave it with my lawyer who is a very good lawyer,” say pa ni Vina na nakatakdang magkaroon ng anniversary concert titled Vina @ Thirty sa Oct. 14 sa Kia Theater.

* * *

Fresh from the success of the dramedy movie na Camp Sawi, muling mapapanood si Bela Padilla sa big screen via I America na naging entry sa Cinemalaya Film Festival last August.
   
This is Bela’s first solo movie so far kung saan ay ginagampanan niya ang papel na isang half-Filipina, half-American at ayon sa young actress, naka-relate siya talaga sa kanyang karakter bilang Ericka since siya naman ay half-Filipina, half-British.
   
Ang pagkakaiba lang daw nila ni Ericka ay hindi siya outspoken at lalong hindi siya malakas magmura.
   
Ayon kay Bela, nang ialok sa kanya ang project ay nag-yes siya kaagad.
   
“Nagandahan kasi ako, eh. Saka ’yun nga, nakita ko na ’yung sarili ko na ginagawa ang movie. Nakita ko na ’yung mga eksena na ginagawa ko. Na-excite akong i-shoot, parang ayokong makitang mapunta siya sa iba kasi gusto ko na siya,” she said.
   
Although this is first solo lead, ayaw daw niyang ma-pressure or mag-expect ngayong ipalalabas na ito commercially.
   
“Ayokong bigyan ng expectation ang sarili ko kasi for me, tapos na ’yung run namin nung Cinemalaya, so itong commercial release, parang feeling ko, bonus sa amin. Because we had a good run in Cinemalaya kaya kami napagbigyan na magkaroon ng commercial run ngayon. So, mas ganu’n po. Parang ayoko namang bigyan ng pressure ang sarili ko,” say ng aktres.
   
Ayon kay Bela, ang pelikula ay tungkol sa mga Amerasians sa Olongapo (GI Babies) at mga taong nakakaranas ng identity crisis.
   
“’Yung mga (taong) parang hindi nila alam kung saan sila nararapat or saan sila lulugar, parang mas ganu’n ang kwento niya. And in a way, funny kasi ’yung situation ni Ericka, kasi ang dami niyang taong gustong tulungan na minsan hindi na niya napapansin ang mga proseso or paraan na ginagawa niya,” sey pa ni Bela.
   
Showing na sa Sept 21 ang I America mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal at hatid ng Viva Films, The Ideafirst Company at Eight Films. Kasama rin sa movie sina Elizabeth Oropesa, Rob Rownd, Matt Evans, Thou Reyes at marami pang iba.