9,547 guests

Dapat nang ilibing si Marcos sa LNMB! -- GMA

  • Written by Jay De Castro
  • Published in Opinion
  • Read: 2159

HINDI ako magtataka kung bakit parami nang parami ang nananawagan at nagdidiin sa pagpapalibing kay Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, sapagkat iyan naman ang wasto.

Ang ligal na batayan diyan ay naging pangulo ng bansa, o ’di kaya ay naging sundalo.
   
Si Marcos ay parehong naging pangulo at sundalo.
   
Ang pinakabago sa mga naghahangad nang maihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay si House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
   
Si Deputy Speaker Arroyo ay muling naggiit ng kanyang tindig sa kawastuhan ng pagpapalibing  kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
   
Sa isinagawang press conference kamakailan, ipinaalala ni Arroyo na naging pangulo ng bansa (2001-2010) na isa siya sa mga lumagda sa resolusyon noong ika-15 Kongreso na pinangunahan ni Sorsogon Rep. Salvador Escudero III na ilibing na si Marcos, sapagkat bilang dating pangulo (1965-1986) at sundalo (1940s na nagretiro bilang colonel noong 1963) ay karapatan ni Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.
   
“I signed a resolution for that in the previous Congress so I am for it,” diin ni Arroyo.
   
Hindi kaparis ni Ifugao Congressman Teddy Baguilat, na walang palabra de honor at paninindigan.
   
Inatras ni Baguilat ang kanyang lagda sa resolusyon ng Kongreso.
   
Ang gusto ni Baguilat, anak lang niyang namatay sa Mindanao ang mailibing sa Libingan ng mga Bayani na sundalo rin tulad ni Marcos.
   
Tulad ng ibang opisyal ng pamahalaan at organisasyon, gustong-gusto na ni Arroyo na matapos ang isyu hinggil sa pinal na paghihimlay kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
   
Bukod kay Arroyo, napakaraming opisyal ng pamahalaan, pribadong indibidwal, at organisasyon na hayagang nanawagang ilibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani, ngunit hindi nag-iingay sa kalye -- hindi tulad ng mga leftist na nagkakalat.
   
Tanggapin natin ang katotohanan na kahit patuloy na binabatikos at kinakastigo si Marcos, napakarami pa ring sumusuporta at naniniwala at bilib na bilib sa kanya hanggang ngayon, sapagkat marami siyang nagawa para sa Pilipinas.
   
Kung kuwestiyonable ang pagiging bayani ni Ferdinand E. Marcos, ang masasabi ko lang ay hindi ang Korte Suprema ang magpapasya kung sino ang dapat kilalanin ng mga Pilipino na bayani.
   
ATTY. JAY C. DE CASTRO-founder, Magkaisa Para sa Bayan, Inc. (MPB) Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.

Website: magkaisaparasabayan.com

Facebook: fb.com/magkaisaparasabayan

Contact No.: 0915-7799-777.
   
Please visit our website magkaisaparasabayan.com and like our Facebook page Magkaisa Para sa Bayan, Inc. and ask your family and friends to do the same.