4,988 guests

Sino si ‘Eddie P,’ ‘Mark P’ at Bryan E’ sa BoC?

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 331

SA ngalan ng “parehas na pamamahayag,” mainit na ‘congrats!’ kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nick Faeldon matapos “maibaba” sa higit P1.6 bilyon ang ‘collection deficit’ ng ahensiya sa buwan ng Agosto, ayon na rin sa sarili niyang ‘press release.’

Ayon na rin sa BoC, nakakolekta ng P32.653 bilyon ang BoC noong isang buwan o higit 95 porsiyento sa ‘target collection’ nito na P34.308 bilyon kaya…congratulations, Comm. Nick!
    
Kung kaduda-duda, ayy, kagulat-gulat ang nangyari, dapat pa rin siyang  “paliguan” ng pa­puri, mga kabayan dahil napakalaking ‘recovery’ nito sa kahiya-hiyang ‘collection deficit’ ng BoC noong Hulyo, sa kanyang unang buwan bilang ‘customs commissioner,’ na higit P13 bilyon -- pinakamalaki sa buong kasaysayan ng ahensiya.
    
At sadyang “nakabibi­lib” ang naging magandang resulta ng koleksyon ng BoC dahil na rin sa harap ng katotohanan na wala pa naman “malaking isda” sa hanay ng mga ‘smuggler’ na nahuhuli si Comm. Nick bagaman nga higit dalawang buwan na siya sa puwesto.
    
‘And trying to appear humble,’ wika nga, narito pa ang sinabi ng dating lider ng Magdalo na umano’y “galit” sa mga ‘corrupt’ at tiwali: “If we judge the agency based on revenue collection alone, then we’ll miss the other two mandates of BoC.
    
“Commissioner Faeldon was referring to border control and trade facilitation as other functions of the bureau.Among other things we do in the agency, we’re fixing corruption here. Why don’t you take a look at it?”
    
Alright, Comm. Nick. Bilang tugon sa iyong “imbitasyon,” na “masdan” ang isinusulong mong kampanya laban sa korapsyon at ‘smuggling,’ siguro naman sa puntong ito ay “kilala” mo na itong sina alias ‘Eddie P,’ ‘Mark P,’ at ‘Bryan E’ sa loob ng iyong bakuran?
    
Kung hindi pa, baka gusto mong itanong sa iyong kinuhang ‘contractual/co-terminus’ na si ‘Mike S’ d‘yan sa IG na ayon pa sa mga miron ay siyang “naghahari-harian” sa IG?
    
(Sa totoo lang, DoF Sec. Sonny Dominguez, hindi ko malaman kung dapat “batiin” si IG Deputy Commissioner, Atty. Liza Sebastian sa pagkapirma mo ng kanyang ‘appointment’ dahil nga bagaman siya ang iyong itinalaga, hindi naman siya ang “bosing” sa sarili niyang opisina bagkus itong “hamak” na ‘contractuals’ na “binitbit” sa BoC ni Comm. Nick, aguy! aguy! aguy!).
    
Ayon pa sa mga miron, itong si alias Eddie P ang “enkargado” para sa Cebu at ito namang sina alias Mark P at Bryan E ang mga “enkargado” sa malawak na “tabakuhan” dito sa NCR at Luzon.
    
Eh, para saan itong mga “enkargadong” ito, mga kabayan?
   
Kung hindi naman totoo ang sinasabi ng ating mga miron d’yan sa pantalan hinggil sa ‘3 Musketeers’ na “pasyal-pasyal” lang ngayon d’yan sa BoC at siyang “kumakausap” sa mga ‘player,’ eh, bakit hindi pa “nadadakma” ni Comm. Nick ang mga ito hanggang ngayon, aber?
    
Sabagay nga, sa dami ng mga ‘contractual’ sa IG na “tinanggal” umano dahil lang sa kapritso, agh, sa “rekomendasyon” nitong si Mike S, aba’y kailangan niya ng mga tauhan na puwede niyang “pagtiwalaan,” hehehe.
    
Uulitin natin mga kabayan na bagaman nga ayaw tayong ituring na kaibigan ni Comm. Nick, sinsero ang ating pagnanais na matulu­ngan siyang magtagumpay partikular na sa kanyang kampanya laban sa katiwalian sa ahensiya.
    
At ito nga ay dahil ‘full support’ tayo sa administrasyon ni Pang. Rody. ‘One hundred ten percent!’
    
Isinusulat natin dito ang sinasabi ng ating mga miron d’yan sa pantalan, ay dahil gusto nating maniwala na sa dami ng kanyang gawain at prayoridad ngayon, hindi na “natututukan” ni Comm. Nick ang lahat ng mga isyu sa Aduana.
    
Harinawa ngang hindi alam ni Comm. Nick at walang pahintulot sa kanya ang ilang mga ginagawang kontrobersiya ng kanyang mga pinagtitiwalaan. Harinawa.

* * *   

Na talagang ‘overloaded’ na si Comm. Nick ay muling pinatunayan ng kanyang CSO (Customs Special Order) 23-2016 kung saan “SIYA” na lang, as in ang OCCOM na lang, Pang. Rody at Sec. Sonny, ang may ‘authority’ na mag-isyu ng alert sa lahat ng kargamento.
 
Sa bisa ng CSO 23-2016 na may petsang Setyembre 7, epektibong ginawang “inutil” at ‘rubber stamp’ ni Comm. Nick ang Intelligence Group (IG), Enforcement Group (EG), Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) at lahat ng district collectors kung paglaban ng BoC sa smuggling ang pag-uusapan.
    
Kung sa mga darating na araw ay maging ‘for reference only’ na lang ang Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP) at ang bagong batas na ‘Customs Modernization and Tariff Act,’ habang nagtatagal si Comm. Nick sa puwesto, aba’y wala na tayong dapat ipagtaka, mga kabayan, huhuhu!