5,206 guests

Negative

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 534

Resulta ng drug test nina Anne at James, inilabas

Parehong negative ang resulta ng drug test nina Anne Curtis at James Reid, kaya mali ang lumabas na balitang drug user sila. Inilabas ng Viva Artists Agency ang resulta para patunayang “unfounded rumors” ang nasulat at na-report sa radio.

Naglabas ng statement ang VAA tungkol dito at heto ang statement:
   
“These reports were broadcast on AM radio and published in several tabloids with only an unnamed ‘pusher’ as a source and with no further evidence to support the claim.
   
“Ms. Curtis and Mr. Reid are aware of and give importance to the influence of artists in society as role models to the youth.
   
“Thus, VAA and its artists have taken the initiative to publicize the results to inform the public of the truth and to show support for the government’s campaign against illegal use of drugs.”
   
Ipinakita rin ng VAA ang laboratory results ng drug test nina Anne at James galing sa Hi-Precision Diagnostics, isang medical laboratory sa Mandaluyong licensed by the Department of Health and accredited with the Dangerous Drugs Board.

* * *

Relationship goals ng marami ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos dahil habang tumatagal at kahit may tatlong anak na ay nananatiling sweet.        
   
Sabi ng fans ng dalawa, kung may pa-contest na best couple, tiyak na lalaban sina Ryan at Judy Ann at baka sila pa ang manalo.
   
Nasa Amerika ngayon sina Ryan at Judy Ann at kasama sa kanilang bakasyon ang pagpapakita ni Ryan sa asawa ng biniling bahay sa Las Vegas.
   
Napanood sa video nang buhatin ni Ryan si Judy Ann pagpasok sa bahay nila.
   
Sa mga latest post ni Ryan sa social media, nanood sila ng concert ng Dave Matthews Band na ginawa sa isang open field. Ang ganda ng message ni Ryan para sa anak nilang si Lucho.
   
“Son, listen to the words of the song Crush by the Dave Matthews Band. It made daddy cry while dancing with mom under the starlit sky #storiesforlucho.”
   
Favorite band pala ni Ryan ang Dave Matthews Band, kaya dream come true sa kanya na mapanood sila performing at kasama pa si Judy Ann.
   
Siguro, ang susunod na goal ni Ryan, muling mapanood ang DMB kasama ang mga anak.
   
Hindi lang ang married life ang maganda kina Ryan at Judy Ann dahil patuloy na maayos ang takbo ng kanilang career.
   
May Eat Bulaga at Ismol Family si Ryan at si Judy Ann ay box-office hit ang Cinemalaya entry na Kusina.

* * *

Makakausap na ng press people si Dingdong Dantes, si Director Dominic Zapata at ang ibang cast ng controversial action series na Alyas Robin Hood.
   
Maririnig na ang pahayag ng aktor sa isyung kopya raw ang bago niyang show sa US series na Arrow.
   
Anyway, sa ipinalabas na bagong teaser ng GMA-7 ng Alyas Robin Hood, ipinakita na si Megan Young at ang ibang cast.
   
Napansin din namin na malayo ang teaser sa kulay green background na ipinag-iingay ng bashers ng show.
   
In an earlier interview, nabanggit na si Dingdong mismo ang gumagawa ng action stunts niya sa show, wala siyang double.
   
Nag-training pa siya ng archery para mas ma-feel ang mga eksenang pumapana siya.
   
Sa September 19 ang premiere ng Alyas Robin Hood na bukod kay Megan, kasama rin sa cast sina Jaclyn Jose, Cherie Gil, Sid Lucero, Andrea Torres, Anthony Falcon at Christopher de Leon.
   
May ginagawa ring pelikula si Dingdong sa Star Cinema but he makes it a point na ang Sunday niya ay para kay Baby Zia.
   
Siya ang nag-aalaga sa anak habang nasa Sunday PinaSaya si Marian Rivera.

* * *

Dedma si Steve Harvey sa tsikang ayaw ni President Rody Duterte na siya ang mag-host sa Miss Universe 2017 na gaganapin sa bansa sa January 30, 2017.
   
O baka naman hindi pa nakarating sa kanya ang pahayag ni Pres. Rody.
   
Nag-tweet kasi si Steve Harvey ng “Can’t wait, let’s do it.”
   
Ang hinihintay ng mga Pinoy ay ang pagkikita nina Steve Harvey at Pres. Rody.
   
Ano kaya ang mangyayari?