6,259 guests

Three celebrity September weddings

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 799
Isabelle Daza at Adrien Semblat Isabelle Daza at Adrien Semblat

TATLONG magkakahiwalay na celebrity weddings ang nakatakdang ganapin sa iba’t ibang lugar ng Italy sa buwang ito ng September.

Sa darating na September 10 (Saturday) ay ikakasal sa  Church of St. Francis in Lucignano, Tuscany, Italy ang engaged couple na sina Isabelle Daza at Adrien Semblat, isang French business executive.  Five days after on September 15 ay ikakasal naman si Cristalle Belo sa Australian hotelier na si Justin Pitt sa isang lugar sa Lake Como, Italy.  On September 21 ay ikakasal naman ang dating sexy star na si Francine Prieto sa American molecular biologist na si Frank Shotkoski sa isang island ng Capri, Italy.

Sunud-sunod ang mga celebrity weddings sa taong ito na sa ibang bansa ginanap.  Nauna na rito ang wedding ni Georgina Wilson sa kanyang British husband na si Arthur Burnand last April 30 na ginanap sa London na sinundan nina Solenn Heussaff at Argentinian husband niyang si Nico Bolzico noong May 22 sa Eglise Notre Dame sa Combourg, France.

BEACH WEDDING FOR RUFA MAE AND FIANCE

SAMANTALA, isang beach wedding naman sa Pilipinas ang magaganap bago magtapos ang taong kasalukuyan sa pagitan nina Rufa Mae Quinto at ng kanyang San Francisco, California, USA-based fiancé na si Trevor Magallanes.

Rufa Mae is now pregnant sa kanilang magiging first baby ni Trevor.

CAMILLE, IKAKASAL ULI

SA isang taon naman nakatakdang ikasal ( sa ikalawang pagkakataon) ang nakababatang kapatid ni John Prats, ang TV host-actress na si Camille Prats sa kanyang US-based fiancé na si John Yambao,

Si Camille ay may isang 8-year-old son na si Nathaniel Cesar Linsangan sa kanyang yumaong husband na si Anthony Linsangan na sumakabilang-buhay noong 2011.
   
Si Nathan ay kabilang na ngayon sa  long-running gag show ng ABS-CBN, ang “Goin’ Bulilit” at sumusunod sa yapak ng kanyang equally popular mom (Camille) at uncle na si John Prats.

PAOLO, TULOY NA ANG PAGPAPAGAWA NG BAHAY

HINDI umabot ng six months ang suspension sa isa sa mga Dabarkads ng “Eat Bulaga” na si Paolo Ballesteros dahil nakabalik na ito sa programa last Monday, September 5, 2016.
   
Kumpleto na muli ang Jo-Wa-Pao na binubuo nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na magkakasama sa Sugod-Bahay ng “Juan for All, All For One” segment na kung saan kasama rin si Maine Mendoza.
   
Timing naman sa kanyang muling pagbabalik sa “Eat Bulaga” ay may dalawa siyang bagong movie na tinatapos, ang “Die Beautiful” at “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend” na parehong pinamamahalaan ni Jun Lana.
   
Kaya, tuluy-tuloy na ang pagpapagawa ng bagong bahay ni Paolo sa isang exclusive subdivision in Antipolo City.

ALONZO, SABIK SA BAGONG TV SHOW

NAG-ENJOY ang child star na si Alonzo Muhlach nang mag-guest sa “It’s Showtime” last Monday kasama ang amang si Nino Muhlach sa “Trabahula” portion ng noontime show.
   
Nami-miss na raw niya ang paggawa ng serye matapos nitong gawin ang “Ang Panday” TV series with Richard Gutierrez sa TV5.
 
Si Alonzo ay nakagawa ng dalawang serye sa Kapamilya Network, ang “Inday Bote” at “Wansapanataym Presents:  Yamishita’s Treasure” kung saan niya nakabituin sina Coco Martin at Julia Montes.
   
Kasalukuyang ginagawa ni Alonzo ang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” with Vic Sotto na magkatulong na pinamamahalaan nina Tony T. Reyes at Marlon Rivera under OctoArts Films, M-Zet Productions and APT Entertainment and intended for 2016 MMFF.
   
Samantala, si Alonzo at amang si Nino Muhlach ang magiging special guest namin sa “Showbiz Express” segment ng “Gandang Ricky Reyes” na mapapanood sa darating na Sabado, September 10, 9 a.m. to 10 a.m. sa GMA News TV.
   
Magiging espesyal din naming panauhin ang mag-ama sa pilot episode ng aming radio program with Shalala, ang “Inside Showbiz with Aster & Shalala” sa darating na  Linggo, September 11, 2 p.m. to 4 p.m. sa DZRJ-810 AM.

MARIEL, SA AMERIKA MANGANGANAK

SA November nakatakdang isilang ni Mariel Rodriguez ang magiging first baby nila ng husband niyang si Robin Padilla at isa itong baby girl na  pangangalanan nilang Maria Isabella.
   
Sa Amerika nakatakdang magsilang si Mariel kaya automatic  na American citizen ang bata.
   
Delikado ang pagbubuntis ni Mariel kaya minabuti ng mag-asawa na sa Amerika na isilang ang bata sa paniniwalang mas moderno ang mga medical facilities at mga doctor doon.
   
Kung matatandaan pa, dalawang beses nagka-miscarriage si Mariel noong isang taon at sa second pregnancy niya ay triplets pa.

ANAK NG IBA, INAKO NI ROBIN

ROBIN Padilla has five children sa kanyang previous relationships.  Si Camille Orosa na anak niya sa dating aktres na si Leah Orosa na naka-base na sa Amerika at apat sa kanyang ex-wife na si Liezl Sicangco – sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen at Ali Padilla.
   
Hindi man si Robin ang ama ng panganay na anak ng aktres na si Jobelle Salvador na si Mico kundi isang dating TV newscaster, simula’t sapul ay kinilala na ni Robin na anak niya ito.
   
Bukod kay Mico,  Jobelle has another child, isang teen-age girl na si Julina sa isang Japanese businessman na si Kurita na na-meet namin a couple of times in Tokyo, Japan.

JOHN, 'DI ISYU ANG PAGLAGLAG NG APELYIDO NG ANAK

HINDI raw issue sa ama ni Inah de Belen na si John Estrada ang pag-drop niya ng Estrada sa kanyang screen name.
   
Sa rami na kasi ng gumagamit ng apelyido o screen name na  Estrada sa showbiz, minabuti ng GMA Artists Center na isunod na lamang ito sa family name ng kanyang inang si Janice de Belen.
   
Supportive  naman ang kanyang estranged parents sa pagpasok niya sa showbiz.
   
Lead role kaagad ang ipinagkatiwala ng GMA kay Inah, ang TV series na “Oh My Mama” na kung saan niya mga kabituin sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.