6,317 guests

Jennylyn, gusto ng privacy!

Jennylyn Mercado Jennylyn Mercado

Mailap pa rin hanggang ngayon si Jennylyn Mercado kapag ang lovelife niya ang itinatanong sa kanya, partikular na nga ang rumored relationship nila ni Dennis Trillo.

Ayon sa Ultimate Star, mas gusto niya na lang na tahimik ang usapin when it comes to her personal life at career na lang daw sana ang pag-usapan.

“Gusto ko pa ring magtira ng privacy para sa sarili ko. Siyempre, gusto mo naman na ’yung mga personal na bagay, sa sarili mo lang or sa pamilya mo lang ’yun,” sey ni Jen.

Hindi lang ang lovelife niya, kungdi maging ang pamilya tulad ng unico hijo niyang si Jazz, hangga’t maari raw nga ay ayaw niya sanang ma-drag pa sa showbiz life niya.

“Kasi, gusto ko na lumaki siya (Jazz) nang normal,” she said.

Habang si Dennis naman, kapansin-pansin na medyo open na about Jen at panay nga ang promote nito sa Instagram account nito ng latest album ni Jen under Ivory Records.
   
Of course, ani Jen ay thankful naman si Jen kay Dennis.
   
“Thankful din ako, kasi sinusuportahan niya ako, like ito ngang pag-post niya ng album ko, salamat naman,” sey niya.
   
Ang nasabing bagong album ni Jen ay may titulong Ultimate at released na ang first single niyang Hagdan.
   
Aside from the album, nagsimula na rin kagabi (Saturday) ang bagong show niya sa GMA-7 na Superstar Duets.

* * *

Six months (going on seven) na ang relasyon nina James Reid and Nadine Lustre at aminado ang dalawa na sa araw-araw nilang pagsasama, mas lalong tumatag ang kanilang relationship.
   
“Everyday, I think, I’m more in love with her,” deklarasyon ni James.
   
At malaking tulong din daw ang romantic scenes nila sa mga proyekto nila. Tulad ngayong ginagawa nila ang Till I Met You, ayon kay James, mas-werte sila dahil nai-enjoy nila being together but at the same time ay nagta-trabaho sila.
   
“You know, other couples do that in their spare time to go (to Greece) and find the sunset and everything romantic, but we get to that in work, and we’re so lucky,” pahayag pa ni James.
   
Kaya nga mas nagiging realistic daw talaga ang   kilig scenes nila sa Till I Met You ngayon.
   
“Saka, ang tagal na rin po kasi naming magkakilala so, even before po talaga nae-enjoy namin ang company ng isa’t isa,” sey ni Nadine.
   
Samantala, hindi lang ang JaDine fans ang gabi-gabing nag-aabang sa primetime series ng dalawa na Till I Met You kungdi maging ang mga bading dahil kinikilig sila sa mga eksena nina James at JC Santos.
   
Sa kwento ay nari-reveal na ngang gay si Ali (JC) at nagkakagusto siya kay Basti (James) at kwela talaga ang mga eksena nila especially last Friday episode na nagkakaroon na ng realization si Ali na type niya si Basti.