13,073 guests

Yen at Devon, sinalo ng Regal

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 245
 Devon & Yen Devon & Yen

Meron na namang da-lawang Star Magic ar-tists ang nadagdag sa kwadra ni Roselle at Mother Lily Montever-de bilang bagong Regal babies. Sila ay sina Yen Santos at Devon Seron na magka-batch sa Pinoy Big Brother Teen Clash edition.

Pumirma ang dalawa ng non-exclusive movie contract sa Regal at pa-reho silang masaya at thankful sa ibinigay na tiwala ng Regal. First project ni Yen sa Regal ang pelikula with Piolo Pascual na Once In A Lifetime. Gagawin naman ni Devon ang Puwera Usog na isang horror movie.

Nakatikim na  ng exposure si Devon sa mga peli-kula ng Star Cinema pero hindi siya napansin dahil sa liit ng roles. Si Yen naman ay never pa raw nakaapir sa Star Cinema movie. Puro teleserye lang daw ang sa ABS-CBN ang kanyang nagawa.

At dahil pareho namang walang ginagawa sa Star Cinema sina Yen at Devon, sinalo sila ng Regal Films. Kesa nga naman  matengga ang beauty nila do’n, mas okey na ’yung meron silang kontrata sa ibang kompanya, huh!

Eh, anong feeling na ang Regal pa ang nagbigay sa kanila ng big break sa movies?
   
“Sobrang saya ko po talaga. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito. At least po, after six years, may pelikula na ako,” sey ni Yen.
   
Wika naman ni Devon, “Sana po, tuluy-tuloy na. Gagalingan ko po para hindi masayang ang pagtitiwala ng Regal sa akin.”