5,700 guests

Lovi, may malaking sakripisyo sa bagong teleserye ng GMA

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 622
Lovi Poe  & Tom Rodriguez Lovi Poe & Tom Rodriguez

Nagbabalik primetime sa GMA-7 ang magaling na aktres na si Lovi Poe ngayong Sept. 5 via  Someone To Watch Over Me series.

Ito ang kauna-unahang project niya sa bagong kontratang pinirmahan niya sa Siyete. Magiging kapareha niya sa STWOM sa kauna-unahang pagkakataon si Tom Rodriguez.

It also reunites Lovi with legendary Director Maryo J. Delos Reyes.

Lovi immediately fell in love with the story. She plays Joanna, a working class girl in Vigan, who meets TJ, and falls in love with him.

Maganda ang kanilang love story na nauwi sa kasalan  at pagka-karoon ng anak. Everything goes on smoothly until TJ begins to sense that there is something wrong with him.
  
Kaagad silang nagpunta ng doktor at doon natuklasan na   merong early onset of  Alzheimer’s disease ang ginagampanang ka-rakter ni Tom.
  
Katulad nga ng title ng telserye na Someone To Watch Over Me,  Lovi will always be watching over TJ. She will also be prioritizing TJ’s happiness, even if it means that she will have to make the biggest sacrifice.
  
Kung ano’ng sakripisyo ’yon sa part ni Lovi, panoorin n’yo na lang simula ngayong Lunes ng gabi sa GMA.