6,339 guests

Giyera kontra droga, matagal nang adbokasiya ni Mayor Bistek

  • Written by IAN F. FARIÑAS
  • Published in Showbiz
  • Read: 456

Luis, Jake, Enrique at Diego, negative sa drug test

BALIK-’PINAS na si QC Mayor Herbert Bautista mula sa Oslo, Norway, kung saan tumayo siya bilang adviser ng Philippine government sa peace panel doon. Ngayong narito na siya, isa-isa niyang sinagot ang mga isyu na nagsulputan nu’ng wala siya.
    
Una na ang napabalitang pagkakasangkot ng nakababata nilang kapatid ni Harlene na si QC Councilor Hero Bautista sa ipinagbabawal na gamot.
    
Sa isang interbyu, sinabi ni Mayor Herbert na, “It pains me, my sister Harlene and the rest of our family that Hero is a drug dependent.
    
“It is really very painful for us. It is good that he took the drug test and was found to be a drug user. He is now undergoing rehabilitation.
    
“Our sister, Harlene, facilitated his entry to rehab and is monitoring the progress.
    
“Hero is 48 years old, has his own family, is independent from us.
    
“We barely see or talk to each other because we, as individuals, have our own set of lives and * * *
 
“TILL I MET YOU” AGAD NA KINAKILIGAN NG MANONOOD, PANALO SA TV RATINGS


Inabangan at tinutukan ng mga manonood ang pagbabalik primetime ng phenomenal love team nina James Reid at Nadine Lustre kaya naman nanguna sa national TV ratings ang pilot episode ng seryeng “Till I Met You” noong Lunes (Aug 29).


Matinding suporta nga ang ipinaramdam ng fans para sa latest serye ng ABS-CBN kaya naman nagkamit ito ng national TV rating na 28.2%, higit na mataas kumpara sa katapat na palabas nitong “Descendants of the Sun” na nakakuha lamang ng 17.2%.


Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa pagbabalik primetime nina James at Nadine sa pag-ulan ng sari-saring papuri para sa serye, dahilan para mag-trend sa Twitter ang official hashtag na #TIMYLoveBegins at makakuha ng higit 1 million tweets.


At ngayon ngang handa na silang makipagsapalaran sa Greece, magtuloy-tuloy na nga kaya ang pag-iibigan nina Iris at Ali? Paano nga kaya mababago ni Basti ang takbo ng kanilang samahan?


Samantala, mag-log on lamang sa www.TillIMetYou.com para sa latest updates at exclusive content na siguradong magpapakikilig pa sa fans. At para naman sa ABS-CBNmobile subscribers, mag-register lamang sa Super KBO upang muling mapanood ang pilot week ng “Till I Met You” ngayong Sabado at Linggo (Sept 3 at Sept 4).


Huwag palampasin ang pamamayani ng tunay na pag-ibig sa “Till I Met You,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

concerns.
    
“We only see each other on special family gatherings. I am proud of him because he is taking full responsibility for his actions,” diin ni Mayor Bistek.
    
Maugong din ang balitang may “demolition job” na pilit siyang idinadawit sa isyu ni Hero sa droga para tuluyang masira ang tapat at malinis niyang record ng paglilingkod sa mga taga-QC.
    
Pero direktang sinopla ni Mayor Bistek ang mga nag-aakusa: “I am not and will never involve myself in the illegal drug trade. Anti-drugs is my advocacy since I was 17 years old.”
    
Bukod kay Mayor Herbert, tumitindi na nga ang suporta at pakikiisa ng mga taga-showbiz sa anti-drug campaign ng Duterte government.
    
Mula nang sabihin ni Pres. Digong na hawak na nila ang matrix kung saan makikita ang mga pangalan ng showbiz personalities na involved sa drugs/drug trade, isa-isa nang nagboluntaryo na magpa-drug test ang ilang mga artista.
    
Kahapon, idinaan ni Luis Manzano sa biro ang ipinost na negatibong resulta ng pagpapa-drug test niya sa PNP Crime Lab.
    
Sey ni Luis sa Instagram post: “Drug test done in Camp Crame under Chief Trampe of the PNP Crime Lab ???? Sa kagwapuhan lang ako positive...”
    
Siyempre, ang daming natawa sa IG post ni Luis, pero mas marami ang nag-like at sinabing hanga sila sa pagiging “drug-free” ng TV host-actor.
    
Ang talent arm din ng ABS-CBN na Star Magic, kusa nang nagsagawa ng drug test sa 40 artists nila, kabilang ang mga nag-negatibong sina Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga, atbp.
    
Sa opisyal na pahayag na ipinadala ng Star Magic sa entertainment site ng Pep, sinabi ng pamunuan nito na naniniwala sila sa kampanya ng gobyerno para labanan ang ilegal na droga.
    
“Star Magic has just conducted a supervised and voluntary drug test for 40 of its artists to belay rumors of drug use in its community.
    
“Results were 100 percent negative for Jake Cuenca, Enrique Gil, Diego Loyzaga, and the rest of the Magic artists.”
    
“Star Magic believes in the efforts of the current campaign to keep our homes and working environments drug-free.”
    
Bukod sa mga nabanggit, nauna nang nagsabi sina James Reid, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na willing silang mag-undergo ng drug testing.
    
Siguradong marami pang mga artista ang magpapa-drug test pagkatapos nila.
-