5,469 guests

Vice-Coco entry sa MMFF, ’di pa sure

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 470

GUESS how many copies of the book, President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas, authored by Vice Ganda, have been sold, so far?

Close to 5,000, we suppose, considering that during the book’s launch last July 16 at the SM Skydome, nakapagbenta  umano ng halos 2,000 copies.

Published by ABS-CBN Publishing, the book is on sale at all National Bookstore branches.

* * *

Meanwhile, ’di pa matiyak ni Vice kung magiging Metro Manila Filmfest (MMFF) entry ang pelikulang gagawin nila ni Coco Martin sa ilalim ng direksyon ni Joyce Bernal.
   
Ang tiyak lang ni Vice, makakasama rin sa yet untitled movie ang dalawang batang co-stars ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano -- sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Makmak” Biriguela.

* * *

Busier than a bee si Vice these days because he is taping as well for the new reality talent show, Pinoy Boyband Superstar.
   
Excited siya not only because sure siyang mga guwaping ang kabataang lalaking sasali sa contest,  kundi dahil sa pag-upo niya bilang hurado ng talent competition, makakasama niya ang K-Pop sensation na si Sandara Park, si Yeng Constantino at higit sa lahat, ang original heartthrob at walang kupas na actor na si Aga Muhlach.
   
It is Vice’s first time to do a project with all three  although si Yeng, paminsan-minsan ay napapanood sa It’s Showtime bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan.
   
Nakatakda nga palang umalis si Vice for only a short time para maging bahagi ng ASAP Live sa New York City sa Sept. 3.

* * *

Back in town ang JaDine loveteam nina James Reid at Nadine Lustre.
   
Common knowledge na James and Nadine were in Greece for nearly a month to tape their new series, Till I Met You.
   
Directed by Antoinette Jadaone and Andoy Ranay, it’s another production of Deo Endrinal’s Dreamscape Television Entertainment, which also produced JaDine’s most recent series, On the Wings of Love (OTWOL).
   
OTWOL was shot partly in San Francisco, where, according to James, he discovered he was in love with Nadine.
   
Ngayon, they’re a real-life couple. Kaya, mas enjoy daw silang in-explore ang Greece on days na wala silang taping.
   
JC Santos is being introduced in Till I Met You.
   
Other stars in the cast are Pokwang, Angel Aquino, Zoren Legaspi and Carmina Villarroel.