5,307 guests

Angel, todo suporta sa ‘Sawi’

  • Written by IFF
  • Published in Showbiz
  • Read: 699

DUMALO si Angel Locsin sa successful premiere screening ng pelikulang Camp Sawi nina Arci Muñoz, Bela Padilla, Andi Eigenmann, Yassi Pressman at Kim Molina sa SM Megamall nu’ng Martes ng gabi.

Gaya ng sangkaterbang fans at iba pang personalidad na um-attend, nag-enjoy nang husto si Angel sa movie na dinirihe ng baguhang si Irene Villamor.

Matapos ang screening, nag-post pa si Angel ng congratulatory message sa cast at direktor sa kanyang Instagram account.
   
Sinagot naman iyon ni Direk Irene ng todong pasasalamat at sinabing touched siya sa pag-accommodate ng aktres sa mommy niyang kasabay nitong nanood ng kanyang obra.
   
Bukod sa female lead cast na kumpletong dumating, namataan din sa premiere si Sam Milby, na gumaganap bilang camp master sa Camp Sawi.
   
Kaso, maaga itong tumakas dahil ayon sa kanyang handler, may taping pa ang aktor at kailangang bumalik sa set. Bago umalis, nakita pang nagyakapan sina Angel at Sam.
   
Present din siyempre ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario, ang co-produ nito sa N2 Productions at BF ni Bela na si Neil Arce at iba pang Viva execs.
   
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Camp Sawi at binigyan din ng "PG (Parental Guidance)" classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
   
Deserving ang pelikula sa 100% tax rebate incentive dahil pulido ang pagkakagawa ni Direk Irene, ang gaganda ng shots at talagang maglalaway ka sa kagandahan ng Bantayan Island, Cebu, kung saan kinunan ang malaking bahagi ng movie.
   
Surprisingly, mahuhusay ang limang bidang babae sa kani-kanyang role, ha. Kering-keri nila ang maging sawi dahil at one point in their lives, totoo namang nagdaan sila sa pagkawasak ng puso.
   
Para sa isang showbiz newbie, pasado ang acting ni Kim bilang babaing sawi na laging tulala dahil ipinagpalit ng dyowa sa iba matapos ma-engage.
   
Maraming kwelang eksena at hugot lines ang lima na for sure, masasakyan at makaka-relate ang mga heartbroken.
   
Maganda rin ang paraang naisip ni Direk Irene sa karakter ni Yassi nang bigla itong mawala para pumasok sa Pinoy Big Brother house na tinape sa Germany.
   
Sayang nga lang kasi dahil doon, hindi nakasama ang aktres sa napakagandang eksena ng apat sa dagat bago matapos ang pelikula.
   
Anyway, showing na ang Camp Sawi sa mga sinehan nationwide.