4,730 guests

Aktres, dedma sa umaasang ex-BF!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 681

Tom, peg ang amang may cancer

Hindi man aminin at batay sa mga interview sa aktor, umaasa pa rin itong magkakabalikan sila ng ex niyang aktres. 

Sobrang minahal ng aktor ang ex at brineyk pa nga niya ang GF niya dati para lang maligawan ang aktres.

Pero naka-move on na nang bongga ang aktres, nakikipag-date na at may bago nang inspirasyon ngayon na magbibigay ng pasakit sa ex niyang aktor. 

Kahit sabihin ng aktres na hindi pa siya ready muling magmahal, nahahalata sa mga kilos at sagot niya na in love na siya sa guy na nali-link sa kanya ngayon.
   
Kaya ang payo ng mga kaibigan sa aktor na ex ng aktres, maghanap na siya ng bagong liligawan dahil wala nang balak makipagbalikan sa kanya ang aktres.

* * *

Ang saya-saya ni Tom Rodriguez sa presscon ng Someone to Watch Over Me, sumayaw pa ito nang ipakilala at hyper tuwing sasagot sa tanong ng mga reporter.
   
Malinaw niyang in-explain ang struggle ng karakter niyang si TJ Chavez na may onset ng Alzheimer at kung paano siya nag-research sa Net para magampanan nang mahusay ang kanyang role.
   
Pero sa one-on-one interview kay Tom, lumabas ang malaking problema dahil sa amang may lung cancer.
   
Inoperahan na raw ang ama at under medication. Umaasa si Tom na malalampasan nito ang cancer na dumapo sa ama.
   
Nag-crack ang boses ni Tom nang ikuwento ang pinagdadaanan ng ama at masakit sa kanyang makita ito na dati’y very strong, pero ngayon, may sakit.   Naging inspirasyon niya ito dahil matatag na hinaharap ang sakit. Nagiging peg ni Tom ang ama sa karakter niyang si TJ dahil life-threatening din ang Alzheimer.
   
Sa November, muling madadalaw ni Tom ang amang may sakit dahil ipinaalam siya ng manager na si Popoy Caritativo sa Bench at sa GMA Network na rin siguro.   Hindi agad makakabalik ng bansa si Tom after ng pictorial nila ni Lovi Poe para sa Bench sa Cuba.   Didiretso ang aktor sa Amerika para dalawin ang amang may sakit.
   
Sa September 5 ang pilot ng Someone to Watch Over Me sa direction ni Maryo J. delos Reyes.   Mauunang mag-pilot ang isa pang show ni Tom na #Like dahil sa Sept. 3 ang pilot after Eat Bulaga. Dito, maghu-host naman siya.

* * *

Inamin na ni Max Collins sa presscon ng Someone to Watch Over Me na four years na ang relasyon nila ni Pancho Magno sa October 10.
   
May relasyon na ang dalawa noon pang 2013 at habang nagdi-deny, mag-on na pala sila.
   
Sa tanong kung bakit bigla siyang umamin, “Kasi, importante siya sa akin” ang sagot ni Max. Idagdag na rin na napagod na sila sa kadi-deny.
   
Ang Diyos daw ang secret ng relasyon nila at sabi ni Max, si Pancho ang rason kung bakit naging religious siya.
   
Sabay daw silang nagpa-baptize na maging Christian at sabay na nagsisimba.
   
Maraming kissing scenes sina Max at Tom sa Someone to Watch Over Me at para maiwasan ang selos at away, hindi panonoorin ni Pancho ’pag may halikan si Max.
   
Ginagawa na ito ni Pancho simula pa lang ng kanilang relasyon. 

* * *

Sakay ng kanyang red Mustang car si Rocco Nacino nang dumating sa presscon ng Oh, Boy! at sabi niya, ang Mustang ang GF niya ngayon after ng breakup nila ni Lovi Poe.
   
Dagdag na inspirasyon kay Rocco ang Encantadia at excited nang maipakita ang talent sa dancing at magpaka-singer na rin sa nasabing concert.
   
Sa September 23 gaganapin ang Oh, Boy! sa Music Museum at kasama ni Rocco sina Aljur Abrenica, Derrick Monasterio at Jake Vargas. Guest nila si Julie Anne San Jose at isa ito sa pinaghahandaan ng apat dahil alam nila na performer si Julie Anne at ayaw nilang mapahiya at mapag-iwanan nito.
   
Produced ng Dreamstar Events ang Oh, Boy! sa direction ni Marvin Caldito.
   
Tama ba ang narinig namin na baka dalhin sa probinsiya ang concert ’pag naging successful? Chance na rin ’yun para makita ang apat ng fans nila sa probinsya.
   
Tickets to the concert are now available at Ticketworld and Ticketnet.