6,348 guests

Sundalo utas sa NPA attack sa Aurora

  • Written by Mamer Bañez
  • Published in Provincial
  • Read: 332

Dingalan, Aurora -- Sa kabila ng pag-uusap ng kapayapaan sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at pamahalaan, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng karahasan ng rebeldeng NPA. Tulad nu’ng nakaraang araw, tinambangan ng mga rebelde ang militar. Isa ang namatay at dalawa ang sugatan.

Dead on spot si Pfc. Reggie Esmeralda Aron samantalang sugatan naman sina Lt. Gerlyn Batumalaque at S/Sgt. Mike Basiwal, ng Army’s 56the IB, nang pagbabarilin ng mga rebelde habang ang mga ito’y sakay ng bangka papunta ng Sitio Singawan, Bgy. Umiray, noong Biyernes ng hapon.
   
Ayon sa report, tutulong sana ang mga sundalo sa gagawing medical mission kasabay ang pagbibigay ng school supplies sa mga batang mag-aaral sa nasabing barangay. 
   
Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok ng mga rebelde at militar bago umatras and una.
   
Kinondena naman ni Dingalan Mayor Shierwin Taay ay ginawang pananambang ng mga rebelde, na ayon sa kanya, ay wala nang derekyon ang kanilang (NPA) ipinaglalaban.
   
Ganunpaman, itinuloy ang pagbibigay ng school supplies at pagsagawa ng medical mission ng Dingalan sa Bgy. Umiray.