6,770 guests

Lalaking natagpuang patay: Suicide o aksidente?

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 273

MASUSING iniimbestigahan ng pulisya kung aksidente o nagbaril mismo sa sarili ang isang 18-anyos na lalaki nang matagpuan itong wala nang buhay sa loob ng kanyang inuupahang kuwarto kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief Senior Supt. Johnson Almazan ang biktima na si Ruben Ostulano Jr., ng Robes 1, Area IV, Bgy. 175, Camarin.
   
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3 ng mada-ling araw nang maganap ang insidente.
   
Nauna rito, natutulog sa loob ng kanilang kuwarto ang mga saksing sina Richard Domacian, John Daniel Turado at Edzel Ibanez nang makarinig ang mga ito ng putok ng baril mula sa kuwarto ng biktima.
   
Kaagad pinuntahan ng mga saksi ang kuwarto ng biktima at nakita nila si Ostulano na nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo kaya agad ipinalaam ng mga ito sa kaanak ng biktima subalit wala na itong buhay.