4,816 guests

40 pamilya nawalan na bahay sa sunog

  • Written by Itchie Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 267

Nasugatan ang isang ginang habang 40 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na sumiklab sa Sampaloc, Manila, Sabado ng hatinggabi.

Ayon kay fire chief Insp. Arvin Rex Capalla, ng Manila Bureau of Fire Protection, nagtamo ng minor burns sa kamay ang biktimang si Dorothy Abiegos, ng 638 A.H. Lacson Avenue, Sampaloc.
   
Batay sa ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-12:03 ng hatinggabi sa tahanan ni Abiegos sa Lacson Avenue, na sakop ng Bgy. 419, Zone 43, sa Sampaloc.
   
Sa kwento ni Abiegos, nasa kahimbingan na sila ng tulog nang magising siya dahil sa malakas na lagablab ng apoy sa loob ng kanilang tahanan.
   
Sinasabing nagsimula ang apoy sa bubong ng tahanan at unti-unting kumalat patungo sa kabahayan.
   
May 15 tahanan ang tinupok ng apoy bago tuluyang naideklarang under control dakong 1:25 a.m. at fireout alas-2:38 ng madaling araw.
   
Hinala naman ni Abiegos na ang mga iligal na koneksyon ng kuryente malapit sa kanyang tahanan ang pinagmulan ng apoy.
   
Tinatayang aabot sa kalahating milyong piso ang napinsalang ari-arian.