4,985 guests

Andi kay Jake: ’Di nakakalalaki na ’di mo matanggap na nakasakit ka ng ibang tao?

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 569

May Twitter war ang ex-couple na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito dahil sa pelikulang Camp Sawi dahil ang feeling ni Jake, ginagamit siya ni Andi sa promo ng pelikula ng Viva Films na showing sa August 24.

Sabi ni Jake, “Alright, I’ve no idea why I’m being mentioned in interviews to promote something I’m not even part of and when my closest connection to the film is someone I haven’t been in proper contact with for a long time.

“Can’t you promote your film by only entertaining questions about the film or perhaps your career?
   
“As much as I’ve tried my best to ignore it, I can’t stay silent when I am conveniently and effortlessly being maligned out of nowhere.”
   
Ang cute ng unang sagot ni Andi sa series of tweets na sagot niya kay Jake: “Grabe ang aga-aga” at “’Yung pelikula naming title pa lang alam mo na kung tungkol saan. Malamang sa lahat ng interview, ang unang tanong sa aming 5 ay tungkol sa mga panahon na lahat kami ay nakaranas ng pagkasawi. #CampSawi nga, eh.
   
“Bago mo isipin na ginagamit ka para sa pelikula, sana inisip mo muna na sumasagot lang po kami base sa kung ano ang nararamdaman namin nu’ng mga panahon na ’yon. Sorry naman kung hanggang hiwalay na tayo, bawal ko pa rin i-share ’yung PERSONAL kong pinagdaanan para makapag-move on.
   
“Is it just me or hindi nakakalalaki na hindi mo matanggap na nakasakit ka rin ng ibang tao? At out of limang sawi, ikaw lang ang ex na nag-feeling na ginagamit ka namin para lang makapag-promote ng pelikula.
   
“Mayroon akong apat na maganda, sexy at magagaling na kasama sa pelikula, hindi kita kailangan para lang panoorin ang pelikula namin.
   
“So, bago mo isipin na ginagamit ka o dinadamay ka sa pelikula, sabihin mo na lang sa mga tao na ’wag nila ako tanungin tungkol sa mga tao o mga oras na pinakanasaktan ako.
   
“If you have no ounce of respect for me, then I have lost all respect I had left for you. So, don’t you dare even complain about Ellie and I being accepted and loved wholeheartedly by someone else because that is not our fault.
   
“That you found it so hard to be proud that you had us. Just in case hindi pa obvious, Mr. Jake Ejercito, para sa iyo lahat ’yan.”

* * *

Ang ganda ng teaser ni Miguel Tanfelix para sa Encantadia kung saan, guest siya bilang si Pagaspas.
    Sa teaser, lumingon si Miguel, kumindat, saka lumipad patungong Encantadia at ang caption ay, “Ako si Pagaspas.”
   
Hindi sinabi ni Miguel kung ano ang gagawin ni Pagaspas sa Encantadia, abangan na lang bukas dahil lalabas na ang karakter niya.

* * *   

On maternity leave na si Iya Villania sa Chika Minute segment ng 24 Oras dahil malapit nang manganak.  Malapit na niyang isilang si Baby Primo Antonio.
   
Ito ang napili nila ng asawang si Drew Arellano na ipangalan sa baby nila.
   
Hindi sinasabi nina Iya at Drew kung kailan ang exact due date ni Iya, but checking on her Instagram (IG), nakahanda na ang lahat.
   
Nasa bag na ang kailangan pagpasok niya ng ospital at bibitbitin na lang ni Drew.
   
Sa video na pinost ni Iya, ipinakita ang tiyan na gumagalaw dahil malikot ang baby  niya.
   
Napa-“oh, my goodness! What is he doing in there?” si Iya sa likot ng baby niya na para bang gusto nang lumabas sa kanyang belly.