4,653 guests

Melai faces competition from younger talents

Melai Cantiveros Melai Cantiveros

MELAI Cantiveros is still funny.

Wala pa ring kupas ang natural na pagpapatawa ng PBB discovery. Sa totoo lang, nakakatawa talaga siya. Her Visayan accent elicits laughter making her more endearing.

Kuwela siya sa kanilang morning show na Magandang Buhay. Plus point ito sa show dahil lalo itong nagpapa-good vibes tuwing umaga. Pero may pagkakataon na umo-over acting siya na dapat itong bantayan ng direktor ng show. Isa pang dapat bantayan niya ay ang kanyang personal na buhay. Ilang beses na silang sinabihan na huwag isapubliko ang gusot nilang mag-asawa. Sa puntong ito, dapat ang pagsabihan ay ang mismong asawa niyang si Jason Francisco. Dahil hindi ito nakakatulong sa kanilang career. Yung pagseselos na diumano'y dahilan ni Jason ay isang malaking kalokohan.

May binabagayan ang mga hugot sa buhay. Parami nang parami ang mga komedyante ngayon. Heto't may bagong sibol na naman - ang Teen housemate ni Big Brother na si  Marydale "Maymay" Entrata ng PBB Lucky Season 7.

Melai is still one of Kapamilya''s prime comediennes. But if she goes astray, she will easily be replaced by the younger ones.
   
Bilang na ba ang mga araw ni Melai sa pagiging prime commediene ng Kapamilya? Just asking...

OGIE, STILL AN ASSET OR LIABILITY?

OGIE Alcasid seems to be on the crossroads of his TV career.
   
Naglabasan ang balitang diumano'y pagbabalik Kapuso o ang paglipat ng singer sa Kapamilya network. May kaugnay ito sa pag-e-expire ng kanyang talent contract sa TV5. His Network transfer seems to be a dismal flop.
   
Bagaman nabigyan nang magandang package at exposure ng Kapatid network, mukhang nakalimutan naman siya ng publiko. Dahil  sa mababang viewership nito - aminin natin o hindi. At kahit gustuhin man niyang manatali bilang Kapatid, wala namang show na maibibigay sa kanya.
   
Dahil mukhang iba na ang direksyon ng TV5 sa ngayon. Di ba't naglayasan na ang mga artista at news reporter nito?
   
Ogie is truly a gem of a talent. Kaya magiging asset pa rin siya sa network na kanyang lilipatan. Pero ang tanong: Kaya pa rin ba ni Ogie na magpasok nang pera sa kaban ng isang network? Just asking...

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.