4,568 guests

Zanjoe, gustong ala-Cristine ang next GF

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 380

Parehong puring-puri ni Zanjoe Marudo ang dalawan leading ladies niya sa Tubig at Langis na sina Cristine Reyes and Isabelle Daza at aniya, nasa dalawa raw ang mga katangian ng babaeng gusto niyang maging girlfriend.

That’s why, sa susu-nod daw na magkakaroon siya ng GF, ang gusto niya sana ay may katangian ito ng mga gusto niya kina Belle (nickname ni Isabelle) at Cristine.
   
“Ang dami nilang qualities na maganda, na sana, kung sinuman ’yung next na makikila ko, kung sino ’yung next na karelasyon ko, sana, may ugali ni AA (palayaw ni Cristine) at saka ni Belle.
   
“Si AA, grabe ’yung suporta niya ngayong may pamilya na siya. ’Yung pagiging responsable niya bilang may anak na at bilang may asawa na. Na hindi ko naman pa nakikita sa kanya before nu’ng nagkakatrabaho na kami. Ngayon, ibang-iba na.
   
“And then, si Belle naman, ’yung pagiging maasikaso sa lahat. ’Yung hands-on, kumbaga. ’Yon ’yung hinahanap mo sa isang babae, eh, sa isang tao, ’di ba, na hands-on sa lahat. Hindi lang ’yung basta umaasa,” pahayag ni Z (tawag kay Zanjoe).
   
Sa thanksgiving presscon ng TAL ay tinutukso ng production team sina Isabelle at Zanjoe kaya natanong namin sa kanya kung may panghihinayang ba siya na taken na ang leading lady at ikakasal na.
   
“Ano ba kayo?” natatawa niyang sabi. “Ina-admire ko kasi ’yung personality niya, eh. Sobrang tuwang-tuwa ako, hindi lang ako, lahat kami.”
   
Bakit sila tinutukso ng staff?
   
“Kung merong (something) ’yun, siyempre, hindi naman pagbibiruan ’yun, ’di ba? Pero aminado naman ako na sa amin lahat, ang bait talaga niya.”
   
So, may panghihinayang nga ba?
   
“Hindi naman sa panghihinayang. Friends kami, before pa, before pa kaming maging artista,” he said.
   
Sa ngayon ay single na single si Zanjoe at biro pa niya, open na open daw siya to anyone.

* * *

Gustong subukan ng Filipino US-based singer na si Angel Bonilla ang kapalaran sa Pilipinas kaya naririto siya sa bansa at nakatakdang magkaroon ng concert sa Zirkoh, Tomas Morato.
   
Si Angel ay transgender na nanalong second runner-up sa Discovery International Song competition sa Europe last May 22, 2016. Ang nasabi raw kumpetisyon ay siya ring organisasyon na humahawak ng The Voice of Asia and other Asian music festival.
   
Sumali rin sa X-Factor sa Amerika si Angel noong 2011 but sadly, hanggang final days of boot camp lang daw siya nakarating at natanggal na siya.
   
Noong bata siya na narito siya sa Pilipinas ay lagi siyang sumasali sa kumpetisyon at madalas daw niyang makasabay si Charice Pempengco.
   
Pumunta ng Amerika si Angel last 2004 at kung anu-ano raw ang trabahong pinasukan niya roon until finally ay magkaroon na rin ng break bilang singer nang magkaroon siya ng mga gig sa mga club.
   
Umuwi siya ng ’Pinas dahil pangarap din naman daw niyang makagawa ng name sa sariling bansa. Biritera rin si Angel at marami siyang boses na alam gayahin.
   
She also writes and composes songs at marami na raw siyang natatapos na kanta with the hope na maisa-album ito one day.
   
While waiting for the right break, ipinag-produce siya ng mga kasamang Roldan Castro at John Fontanilla ng concert, ang Voices... The Concert kasama ang X Factor Israel grand winner na si Rose “Osang” Fontanez sa Aug. 24 at Zirkoh, Tomas Morato.
   
Maraming kanta ang inihanda ni Angel with Knights Band  kasama ang kanyang winning song sa Discovery International Song competition.
   
Kasama rin nina Angel at Osang ang produkto ng X Factor, New Millenium Kilabot ng mga Kolehiyala at 1st runner-up sa Your Face Sounds Familiar na si Michael Pangilinan at ang X Factor Philippines /stand-up comedian na si Osang.
   
Kasama rin sina Marika Sasaki,  Idolito Dela Cruz,  Mei Cruz, ang all female group na alaga ni Jojo Veloso na  The Fabulous Girlfriends at all male  group  na Brat Boys, Ron Mclean, ang  Zero Ground at Four Dimensions.
   
Ang sponsors ng naturang concert ay BeautéDerm, Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures,  Fernando’s Bakery, YSA Skin and Body Experts, UniSilver Time, Sogo Hotel.