4,960 guests

Biliran niyanig ng magnitude-5 quake

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Provincial
  • Read: 231

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bahagi ng Biliran kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sentro ng lindol pitong kilometro sa hilagang kanluran ng Naval, Biliran.
   
Naramdaman ang pagyanig na may lalim na 6 km alas-10:59 ng gabi.
   
Naitala ang Intensity 5 sa Naval, Almeria at Culaba, Biliran; Intensty 4 sa Tolosa at Calublan, Leyte; Intensity 3 sa Mandaue City; Intensity 2 sa Palo, Leyte; at Masbate City; Intensity 1 sa Cebu City.
   
Wala namang iniulat na nasira o napinsalang ari-arian sa nasabing pagyanig.