7,475 guests

Yassi, mas nakilala dahil sa ‘PBB’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 327

Positibo ang resulta ng pagpasok ng isa sa Camp Sawi lead actress na Yassi Presman sa PBB bilang celebrity housemate. Natututunan daw niyang mas maging appreciative ngayon kahit sa maliliit lang na bagay kumpara noon.

Hinding-hindi raw niya malilimutan ang experience na maging isang PBB housemate dahil feeling niya ay mas nabuo ang pagkatao niya dahil dito. “Sobrang grateful ako sa PBB experience and I’m very grateful na nakapasok ako sa bahay ni Kuya,” sey pa niya.
   
Pero bukod sa experience at sa mga natutunan niya sa PBB, marami rin ang nakapansin na nadagdagan ang popularity niya after um-exit sa reality show. Sa isang mall tour ni Yassi to promote Camp Sawi na showing on Aug. 24, grabe ang tilian ng tao sa kanya, huh!
      
Marami na rin naman ang nakakakilala sa kanya noon lalo na nung time na loveteam pa sila ni Andre Paras,  pero iba ngayon. Ang laking bagay na araw-araw siyang napapanood sa PBB.
      
Nakita rin sa reality program lalo na do’n sa challenge na kailangan niyang kumain ng mga exotic food ng Vietnam na hindi nag-inarte ang beauty ni Yassi. Siguro, do’n siya nagustuhan ng mga tao.
      
Anyway, bukod kay Yassi, kasama rin sa Camp Sawi movie sina Kim Molina, Bela Padilla, Arci Muñoz and Sam Milby. Si Bella at ang boyfriend na si Niel Arce ang nag-conceptualize ng pelikula na prinodyus ng Viva Films at N2 Productions.