4,849 guests

Kris, ‘secret’ at ‘surprise’ partner ni Vic sa ‘Enteng...’?

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 748

Nauna na pala si Manny Valera sa New Zealand para mag-location hunting para sa pelikulang Once in a Lifetime na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos. 

Para nga naman pagdating nina Piolo, Yen, Raikko Mateo, Jerald Napoles at Director Dondon Santos, makapag-shooting na agad.

Sa August 13 ang lipad nina Piolo, sila ang first batch na aalis at susunod sa Aug. 15 ang second batch.
   
Hanggang Aug. 25 ang schedule ng shooting nila sa New Zealand. This year naman daw ang playdate ng pelikula na co-produced ng Regal Films, Star Cinema at Spring Films.
   
Sabay ng storycon ang look test ng cast na magsu-shooting sa New Zealand at nakakita kami ng picture nina Piolo at Yen na suot ang pang cold weather.

* * *

Palaisipan ang “secret” at “surprise” na sagot ni Vic Sotto kung sino ang  leading lady niya sa MMFF entry na Enteng Kabisote10 and the Abangers.   May mga nag-iisip tuloy na baka may kinalaman ang pakikipag-meeting nina Tony Tuviera at Director Mike Tuviera kay Kris Aquino a few weeks ago.
   
Co-producer kasi ng MMFF entry ang APT Entertainment ng mga Tuviera, OctoArts Films, M-Zet TV ni Vic at baka pati ang GMA Films dahil may Kapuso stars sa cast.
   
Kasama sina Ryza Cenon, Bea Binene at Ken Chan sa cast na kinabibilangan nina Oyo Sotto, Ryzza Mae Dizon, Alonzo Muhlach, Kakai Bautista, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Jose Manalo.
   
Aabot daw sa 30 lahat ang cast ng Enteng Kabisote10 and the Abangers to be directed by Marlon Rivera and Tony Reyes.
   
Sabi ni Vic sa interview, matagal niyang pinag-isipan na ibalik ang Enteng Kabisote franchise at sa pagbabalik nito, pang-millennial na ang dating ng movie mula sa karakter ng cast, special effects at kabuuan ng pelikula.

* * *

Magre-retreat pala ang paalam ni Yassi Pressman kay Director Irene Villamor at sa mga kasama sa Camp Sawi sa bigla niyang pag-alis sa shooting sa Bantayan Island sa Cebu.
   
Nagulat na lang ang mga kasama ni Yassi sa pelikula nang malamang nasa Pinoy Big Brother at natawa na lang ang cast at ang director.
   
Para kay Yassi, worth it ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.
   
Sabi niya sa Instagram (IG) post, “I’ve come out a bigger dreamer, a stronger human being and an even more sensitive person. I am so thankful for the opportunity to go into Kuya’s house, despite all the hardships, when there was no food and nowhere to sleep and with difficult challenges, I could only be stronger with my housemates. I’ve gained some amazing friends, and come out with more than I could imagine. Mas pinapahalagahan ko na ang lahat ng bagay at tao sa paligid ko and I am so excited to share more.”
   
Samantala, showing sa August 24 ang Camp Sawi,  kung saan ginagampanan ni Yassi ang role ni Jessica, isang young perky cheerleader na hiniwalayan ng  varsity boyfriend.
   
Naka-relate raw siya dahil ganu’n siya the first time na-heartbroken siya, dumaan siya sa phase na naging bitter siya pero nalampasan din naman niya.

* * *

Slow clap for Benjamin Alves na sinopla ang isang fan nina Julie Anne San Jose at Elma Magalona na hindi pa maka-move on na matagal nang wala ang JuliElmo loveteam at malabong magkaroon ng romantic involvement ang dalawa.
   
Noon ngang magka-loveteam ang JuliElmo, hindi sila nagka-developan, ngayon pa ba?
   
Nagtataka rin kami kung bakit hindi matanggap ng ibang JuliElmo fans na si Janine Gutierrez ang girlfriend ni Elmo at ipinipilit pa rin na may JuliElmo.
   
Iyong galit nila kay Janine dahil GF ni Elmo ay nabaling kay Benjamin na very open sa panliligaw kay Julie.
   
Inaway kasi si Julie ng ilang JuliElmo fans at may isa pang tinawag siyang malandi dahil nakikipagpalitan ng tweets kay Benjamin.
   
Nag-react si Benjamin at sabi sa JuliElmo fan, “So, we can’t be happy in public anymore? Tweet, malandi agad? Stop. You’re insulting my girl and I don’t like it.”
   
Pero dahil sa tweet ni Benjamin na tinawag na “My girl” si Julie Anne, marami tuloy ang na-curious at gustong malaman kung sinagot na siya ni Julie Anne at kung sila na.
   
Hindi naman basta tatawaging “my girl” ni Benjamin si Julie Anne kung hindi pa siya binibigyan ng karapatan ’di ba?