4,582 guests

Bina-bash!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 909

AlDub fans, panay ang banat kay Alden

... Julie Anne, dawit sa bagong issue

Bea, nag-thank you kina Maja at Lloydie

‘Tanga Na,’ tribute ni Mother Lily sa LGBT

Nag-thank you si Bea Alonzo kina John Lloyd Cruz at Maja Salvador na nanood ng movie nila ni Gerald Anderson na How to Be Yours. 

Ang cute pa dahil ginaya nina John Lloyd at Maja ang pose nina Bea at Gerald sa poster ng movie.

Ang maiksing, “@ianmajasalvador hahahaha!!! tenkyu” message ni Bea para kay Maja ay ikinatuwa ng kanilang fans na nag-akalang may gap ang dalawa dahil kay Gerald.
   
Ex kasi ni Maja si Gerald na unang naging BF ni Bea at kung walang kukontra, baka maging soon-to-be boyfriend.
   
Natuwa ang fans ni Maja sa gesture nitong panoorin ang movie ng ex.
   
Ipinakita lang daw nito na mabuti siyang tao, walang bitterness at lahat ay puwede niyang maging kaibigan.    Si John Lloyd naman, kaibigan at matagal nang ka-loveteam si Bea. Hindi nakakagulat kung sinuportahan niya ang pelikula nila ni Gerald.

* * *

Very touching ang message ni Richard Faulkersons Sr. sa anak niyang si Alden Richards na pinost sa social media.
   
May mga teary-eyed pa nga nang mabasa ang message kay Alden ng kanyang ama.
   
“RJ, it seems like only yesterday you were just a little baby. I never really had the money to give you the things that others around you got, but you were understanding.
   
“You never complain.
   
|You are a great son. Live your life and have fun. Dream big. Keep your feet on the ground. I wish and pray that you always succeed in whatever you do. Congratulations on your achievements. You have made us all proud,
   
“I love you,
   
Dad”
   
Sa suporta ng ama, mga kapatid and his loved ones kaya matapang si Alden na harapin ang mga basher na puro paninira ang ginagawa sa aktor.
   
Hindi sumasagot si Alden dahil ang katuwiran ay part ’yun ng showbiz at ng trabaho niya.
   
Habang naghihintay for his next TV project, ang personal appearances for his endorsements, shows at recording ng second album under GMA Records muna ang haharapin niya and, of course, ang Eat Bulaga.
   
May shows sila nina Dennis Trillo, Derrick Monasterio at Tom Rodriguez Rodriguez, billed Heartthrobs, sa States.

* * *

Reunion din pala nina Judy Ann Santos at Joem Bascon ang Kusina (Her Kitchen) dahil may mga naunang project na silang pinagsamahan.
   
Si Judy Ann ang unang nakasama ni Joem sa first appearance niya sa MMK at magkapatid ang labas nila.
   
Si Judy Ann din ang kapareha ni Joem sa first lead role niya sa TV, ang Habang May Buhay. Ka-triangle nila si Derek Ramsay.
   
Biro ni Joem, umasenso na ang role niya dahil hindi lang niya kapareha sa Kusina si Judy Ann, asawa nito ang kanyang role.
   
Ipinagmamalaki ni Joem ang pelikula na dinirehe nina David Corpuz at Cenon Palomares dahil walang kontrabida.
   
Ensemble cast ito at walang masamang tao sa cast.        
   
Sa manonood, pay attention daw sa putahe na niluluto dahil bawat putahe at may istorya at malaking parte sa mood ng pelikula.
   
Entry sa 2016 Cinemalaya ang Kusina at mapapanood simula August 6, 10 a.m., sa Little Theater ng CCP at Aug. 8, 3:30 p.m., sa Studio Theater ng CCP, kung saan darating si Joem for meet and greet.
   
Sa Aug. 9, 6:15 p.m., ang gala premiere ng movie sa Main Theater ng CCP at present lahat ang cast.

* * *

Ang suwerte ng mga kasama sa Sunday PinaSaya dahil trip to Japan ang anniversary treat sa kanila ng APT Entertainment, producer ng show.
   
Sa September ang alis ng grupo after ng anniversary nila this August.
   
Sa post ni Ai-Ai de las Alas sa Instagram (IG), nauna nang nag-treat ng dinner sa kanila si Tony Tuviera at doon in-announce na pupunta sila sa Japan.
   
Kaya lang, sa sinabi ni Ai-Ai na pupunta ang SPS family sa Japan, naba-bash na si Alden at nadadamay pa si Julie Anne San Jose.
   
Ilang selosang fans ng AlDub ang nagsimula nang mam-bash kay Alden dahil mas ginusto pa raw sumama sa Japan kesa sa Hong Kong kung saan nagbakasyon dati ang mga taga-Eat Bulaga.
   
Hindi pa nga tiyak kung sasama nga si Alden sa Japan dahil may September schedule ito sa ibang bansa rin.

* * *

Tribute ni Mother Lily at ng Regal Films ang pelikula nilang That Thing Called Tanga Na sa members ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transexual (LGBT) community.
   
Mahal ng lady producer ang mga LGBT, kaya mula pa noon, gumawa na siya ng mga pelikulang para sa mga bading at bading din ang mga karakter.
   
Sobrang masaya ang That Thing Called Tanga Na at siguradong masisiyahan at matutuwa ang manonood sa peliikula ni Director Joel Lamangan na opening on August 10 nationwide.