4,830 guests

Bea at Gerald, umamin sa pagmamahal sa isa’t isa

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 815
Bea Alonzo & Gerald Anderson Bea Alonzo & Gerald Anderson

MARAMI ang kinilig sa guesting ng dating magkasintahang Gerald Anderson at Bea Alonzo nang ang mga ito’y mag-guest sa “Ganda Gabi Vice” ni Vice Ganda last Sunday evening dahil nang itanong ni Vice Ganda sa dalawa kung minahal ba nila ang isa’t isa, sinagot ito ng “Sobra!” ni Bea at si Gerald naman ng “More than you’ll ever know.”

Tulad ng alam ng marami, tumagal lamang ng ilang buwan ang pag-iibigan noon nina Gerald at Bea dahil na rin siguro sa pressure ng mga fans nina Gerald at Kim Chiu, bukod pa sa pareho pa rin silang mga bata noon.

Naging daan ang pelikulang pinagtambalan nilang “How To Be Yours” para unti-unting manumbalik ang kanilang magagandang alaala noon.  Nagkataon pang pareho silang single and unattached ngayon kaya hindi kataka-taka kung magkakaroon ng second chance ang kanilang naudlot na pag-iibigan noon lalupa’t pareho na rin silang nag-mature as individuals.

Inamin  nina Gerald at Bea na pareho silang naasiwa sa simula ng shooting nila ng “How To Be Yours” na dinirek ni Dan Villegas under Star Cinema  dahil matagal silang  hindi nagkasama.  But eventually ay naging comfortable na silang muli tulad ng dati.

Inamin din ng dating couple na pareho silang naniniwala sa second chance (na siya ring titulo ng mega hit movie ni Bea with John Lloyd Cruz last year) kaya hindi imposible ang pagbabalikan ng dalawa.

CHRISTIAN, HANDA NANG MAG-ASAWA PERO ’DI NAGMAMADALI

KUNG hindi kami nagkakamali, si Rachelle Ann Go ang kauna-unahang showbiz girlfriend ng singer-actor na si Christian Bautista.  Nagkahiwalay man ang dalawa ay nanatili ang pagiging magkaibigan nila.  After Rachelle Ann, naging kasintahan naman ni Christian ang Romanian-Chinese actress na si Carla Dunareanu pero ito’y nauwi rin sa hiwalayan.
   
It took sometime bago muling nakahanap ng bagong mamahalin ang 4th placer ng “Star In A Million” singing competition in 2003 at hit singer ng awiting “The Way You Look At Me”. Ito ang non-showbiz girl na si Kat Ramnani, Music Content Head ng Globe Telecom whom the singer describes as intelligent, driven and beautiful.
   
At 34, Christian is of age to settle down pero ayaw niyang madaliin ang lahat lalupa’t bago pa lamang ang relasyon nila ni Kat.  But he hopes na si Kat na nga ang babaeng makakasama  niya habang buhay.
   
Sa ngayon, Christian and Kat are both enjoying each other’s company.  Marami silang common interests including food, travel, music and sports.  When there’s an opportunity, they travel together.  Kat also gets along very well with Christian’s family and there was even a time na nakipaglaro ng tennis si Kat sa pamilya ni Christian as one of their bonding moments with his family.

POSITIBO SA EPEKTO NG MISS U SA ’PINAS

IN our recent trip sa Vigan, Ilocos Sur ay nakadaupang-palad namin ang batang gobernador ng lugar, si Gov. Ryan Singson, anak ni dating governor Chavit Singson.  Kasama ni Gov. Ryan ang kanyang beautiful wife na si Patch Savellano na step-daughter naman ng actress na si Dina Bonnevie.
   
Si Gov. Ryan ay nakababatang kapatid ni dating Congressman Ronald Singson, ang ex-boyfriend ng singer-actress na si Lovi Poe.
   
Tinanong namin si Gov. Ryan kung nakipagbalikan si Ronald kay Lovi ngayong hiwalay na ito sa actor na si Rocco Nacino.
   
“Honestly, wala akong alam sa lovelife ng kapatid ko,” natatawa niyang tugon.  “Noong sila pa ni Lovi, nakikita ko silang dalawa.”
   
Si Ronald ang mas naunang pumasok sa pulitika bilang kongresista sa loob ng tatlong termino o siyam na taon.  Now, he’s back sa pagiging isang negosyante just like their dad, former Gov. Chavit Singson na isa nang successful businessman bago man nito pinasok ang pulitika.  Si Gov. Ryan naman ay kasisimula pa lamang sa kanyang ikalawang termino bilang gobernador ng Ilocos Sur na kanyang minana sa kanyang ama na matagal naglingkod sa kanilang probinsiya.
   
Gov. Ryan was recently elected as the president ng Governors’ League of the Philippines.  Isa rin siya sa excited na matuloy ang staging ng 2016 Miss Universe sa Pilipinas dahil ito’y makakatulong sa ating turismo.
   
With the participation of his businessman-politician father na si former Gov. Chavit Singson, umaasa si Gov. Ryan na ang isa sa mga pre-pageant activities ng Miss Universe ay gaganapin sa Vigan na kabilang ngayon sa New 7 Wonder Cities of the World.
   
Kung well-loved sa buong Ilocos Sur ang kanyang ama dahil sa mga nagawa nito sa kanilang probinsiya at siyudad, ito ngayon ang ginagawang inspirasyon ni Gov. Ryan na malayu-layo pa ang mararating bilang isang public servant.
   
“At an early age, we were already exposed to business and public service because of our dad,” pag-amin ng batang Singson.
   
Maging ang misis ni Gov. Ryan na si Patch (Patricia) ay sanay rin sa public service dahil naman sa kanyang ama na isa ring negosyante at politician.
   
Very warm and accommodating ang mag-asawang Gov. Ryan at Patch Singson and they even hosted merienda for us at ipinaghanda kami ng special Vigan empanada sa kanilang bahay last Saturday afternoon.

NAGGAGANDAHANG PUBLIC SERVANTS, MAGAGANDA RIN ANG PANANAW

KUNG ang Ormoc City ay may napakagandang congresswoman sa katauhan ni Rep. Lucy Torres-Gomez at may napaka-guwapong mayor, si Mayor Richard Gomez, hindi rin nagpapahuli ang Tacloban City na may napakagandang mayor, ang singer-actress-turned politician na si Mayor Cristina `Kring-Kring’ Romualdez at napakaganda rin ang kinawatan ng ika-1st district ng Leyte na si Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez, dating beauty queen at misis ni dating Rep. Martin Romualdez.
   
Pare-parehong positibo ang pananaw nina Cong. Lucy Torres-Gomez, Congresswoman Yedda Marie Romualdez at Mayor Kring-Kring Romualdez sa pagsasagawa ng 2016 Miss Universe pageant sa Pilipinas on January 30, 2017 dahil ito’y tiyak na makakatulong sa ating  turismo at pagkakaron ng interest ng mga foreign businessmen na mag-invest ng negosyo sa Pilipinas.
   
“With the help ng Miss Universe pageant, maso-showcase ang Pilipinas at ang magagandang tanawin ng ating bansa  sa buong mundo,” pahayag ni Mayor Kring-Kring.
   
Samantala, kahit magta-tatlong taon pa lamang sa darating na November ang bagyong Yolanda sa Tacloban at sa Eastern Visayas, mabilis na nakabangon ang Tacloban na siyang center of trade ng Eastern Visayas.
   
“We are not totally healed in terms of repairs to be done but we’re focusing on them,” pahayag ng singer-actress-politician.
   
Speaking of Kring-Kring and her husband, si dating Tacloban Mayor Alfred Romualdez, binigyan na nila ng basbas ang kanilang panganay na anak na si Sofia (16) na pasukin ang pagiging isang recording artist sa tulong ng Viva Records.
   
Narinig mismo ni Boss Vic del Rosario ang magandang boses ni Sofia at hindi ito nag-atubiling alukin ang teen daughter ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring na maging isang recording artist na siya ring pinagmulan noon ni Kring-Kring bago ito naging isang ganap na artista.
   
“Singing at musika  talaga ang hilig ni Sofia since she was a kid,” diin ni Kring-Kring.