8,828 guests

Albie, matindi ang pinagdaanan

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 1116
Albie Casino Albie Casino

MATINDI ang pinagdaanan ni Albie Casino bago siya nakabalik sa showbiz. Kung batang-bata pa si Albie nang gawin nina  Kathryn Bernardo at Diego Loyzaga ang remake ng “Mara Clara” para sa Kapamilya Network noon, ngayon ay lutong-luto na siya. At mismong si Boy Abunda ang nagbigay sa kanya ng titulong “Millennial Hunk.”

Hindi mabilang ang indecent proposals na natatanggap ni Albie mula sa mga bading at opposite sex. Ang kanyang reaction?

“I just take it with a grain of salt. Marunong naman akong sumagot nang hindi nakasasakit ng damdamin. Most often, nagiging friends kami.”

Kasama si Albie sa napakasayang pelikulang “That Thing Called Tanga Na” ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde. Tulad ng mga co-star niyang sina Eric Quizon, Angeline Quinto, Martin Escudero, Billy Crawford, Kean Cipriano, nag-enjoy siya nang husto.

“Kahit ang director naming si Joel Lamangan ay nag-enjoy din, tulad namin. Para kaming naglalaro lang, kahit sineseryoso namin ang bawa’t eksena.”
   
Ang advantage ni Albie, galing siya sa isang mayamang pamilya. Kahit nalungkot siya nung bago pa lamang siya sa showbiz, hindi naging problema sa kanya ang panggastos araw-araw. At todo-suporta sa kanya ang kanyang parents.

JR, SINISIKAP NA BUMALIK SA DATI

TAKOT na takot si JR Siaboc nang malaman niyang nasa listahan siya ng mga drug user at drug pusher sa kanilang bayan sa Toledo, Cebu.
   
It turned out to be blessing in disguise. Napatunayang hindi siya naging pusher, kundi user lang ng ipinagbabawal na gamot tatlong taon na ang nakararaan.
   
Binigyan siya ng panibagong break ng Kapamilya Network at noong Linggo, kabilang siya sa mga guest sa ASAP kung saan nag-duet sila  ni Yeng Constantino ng “Himala.”
   
“Inaamin kong nagkaroon ako ng masamang karanasan pagkatapos akong manalo ng 2nd place kay Yeng Constantino sa Pinoy Dream Academy. Umuwi ako sa amin sa Toledo para mamuhay na lang ng tahimik. Inaamin ko rin na nakaranas ako ng matinding hirap sa buhay kahit pakanta-kanta ako sa iba’t ibang lugar sa amin. Nagkaroon lang ng pagbabago ang buhay ko nang magkaroon ako ng asawa at anak.
   
Hindi rin napabayaan ni JR ang kanyang katawan. Hindi siya tumaba at pinanatili niya ang kinis ng mukha at katawan. Kinanta din niya ang dalawang awitin  na kinompose niya habang nasa loob ng bahay ni Kuya, tuwing mag-guest appearance siya sa Kapamilya Network.
   
Here’s hoping na magtutoly-tuloy ang pagbangon ni JR alang-alang sa kanyang mag-ina.

ELISSE, MASUSUBUKAN ANG TATAG

MASUSUBUKAN ang tatag ng emosyon ng 20 years old na si Elisse Joson sa loob ng PBB house ngayong magtatagpo uli ang landas nila ng ex-BF niyang si Jerome Ponce.
   
Pinapasok si Jerome ni Kuya para ayusin ang gusot nila ni Elisse. Ipinagtapat kasi ni Elisse na hanggang ngayon ay naiiyak pa rin siya nang iwanan siya ni Jerome nang walang paalam.
   
Unti-unti na sanang naaaliw si Elisse sa pagtingin na iniuukol sa kanya ng housemate niyang si Macoy de Leon ng Hashtag. Pati housemates nila ay tuwang-tuwa sa kanila. May naitatag na ring fans club (MACLIS) sa labas ng Bahay ni Kuya ang fans nila.
   
Ano kaya ang mangyayari kapag nag-heart –to- heart talk na sina Jerome at Elisse? Magbalik pa kaya ang damdamin ni Elisse ngayong inaamin ni Jerome na mahal pa rin niya ang dalaga?
   
Ano ang mangyayari kay Macoy?

BEA AT GERALD, INAMIN ANG SAKIT NG PAGBI-BREAK NOON

INAMIN nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang tindi ng kanilang pagmamahalan 6 na taon na ngayon ang nakaraan.
   
Nagkaroon sila ng pagkakataong tanungin ang isa’t isa sa “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda noong Linggo ng gabi, habang nagpo-promote ng “How To Be Yours” na tumatabo nang husto sa takilya ngayon.
   
Ikinuwento ng dalawa kung paano sila nag-break noon.
   
“Papunta kami ni Bea noon sa London for a show,” pagtatapat ni Gerald. “Sabi niya, i-enjoy na lang namin ang London bago kami tuluyang mag-break. Nang pauwi na kami ng ‘Pinas, hindi namin kinaya ang aming gagawin. Nagkasundo kami na pagdating na lang namin sa Abu Dhabi. Dalawang stop over pa ang dinaanan namin, at hindi pa rin namin kinaya na mag-break na. Sabi namin, pagdating na lang ng ‘Pinas.
   
Basta, mag-go our separate ways na lang kami at iyon na. Ang sakit. ..”
   
Ang pagpapaka-totoo nina Bea at Gerald ang posibleng maging dahilan ng pagbabalikan nila. Posibleng ayusin muna nila ang previous commitments nila at magaganap na ang itinakda ng tadhana.