6,664 guests

27 drug suspects sumuko sa QCPD

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 260

Sumuko ang 27 katao na sangkot umano sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa ipinatupad na Oplan Tokhang ng Quezon City Police District kahapon.

Sa ulat ni Supt. Rolando Balasabas, commander ng QCPD Station 7, ang kusang pagsuko ng mga nasabing indibiduwal ay alinsunod sa estriktong pagpapatupad ng Project Double Barrel, na layuning maging drug-free ang lahat ng barangay sa lungsod.
   
Ayon kay Balasabas, tulad ng mga naunang sumuko sa Oplan Tok-hang, ang 27 indibiduwal ay pauuwiin din sa sandaling makuha-nan ng impormasyon at pangakong hindi na mu-ling babalik sa nakaga-wiang bisyo.
   
Bukod dito, tuturuan din ang mga ito kaugnay sa Republic Act 9165 o ang Comprehenside Dangerous Drugs Act of 2002 at ang epekto nito sa kanilang katawan at pamumuhay.
   
Sabi pa ng opisyal, umaasa siyang ma-dadagdagan pa ang indibiduwal na sangkot sa iligal na droga na kusang isuko ang kanilang mga sarili upang magbago at maiwasto ang kanilang pamumuhay alang-alang sa kanilang mga pamil-ya.