6,374 guests

Vice at Kris, ’di nagkikibuan

  • Written by Nel Alejandrino
  • Published in Showbiz
  • Read: 602

Final na ang pagiging isa sa judges ng bagong reality show on ABS-CBN, La Banda, si Sandara Park. Sandara ay product of a reality show for new talent known as Star Circle Quest.

For a time, Sandara earned the tag Pambansang Krung Krung ng local showbiz. Until her family’s decision to move back to Korea.

In Korea, Sandara became part of the group 2NE1, known as the best-selling digital girl groups in South Korea.

Now a much-sought after international model, Sandara was in the country to promote a clothing line which she is endorsing.

The two other judges ng La Banda are Vice Ganda at Yeng Constantino.

* * *

Speaking of Vice Ganda, wonder kung nagkita na sila ni Kris Aquino who have been in town for nearly a week now, from a two-month vacation with sons Joshua and Bimby in Hawaii and California.

Best friends bago nag-election, people are wondering how Kris feels now that it’s an open-book na maka-President Duterte pala si Vice Ganda. Yes, all the while na ang sinusuportahan naman niya (Kris) was former presidentiable Mar Roxas.
   
Paraan daw kaya ni Kris ang katatapos niyang paggi-guest sa show ni Marian Rivera  na Yan Mag Morning last Friday para maiparating niya kay Vice how she feels about him?
   
Kasi, she could have guested in either of the two shows ni Vice in ABS-CBN, the noontime program na It’s Showtime or Gandang Gabi, Vice para mag-serve as ‘come back’ appearance niya, so to speak.
   
Well, ito ang happening na gandang pagtuunan at abangan.

* * *

Nakaka-touch talaga, Ian F., ang naging reaction ng netizens, obviously karamihan mga residente ng Bacoor City, when former action star and senator Ramon Revilla Sr. arrived in his wheelchair at the Saint Michael Archangel Cathedral to attend the oath taking of his son, Strike Revilla, former mayor of Bacoor for three terms at ngayon ay bagong halal na congressman sa second district ng Bacoor.
   
Nag-oath-taking din ang kanyang daughter-in-law na si Lani Mercado, wife of his son Bong Revilla, bilang mayor ng Bacoor. Fomer congresswoman ng Bacoorsi Lani.
   
Well, nagtindigan lahat ng  mga tao sa laoob ng simbahan while son Marlon Bautista wheeled his dad to the altar where the ceremony took place.
   
“Mahal na mahal namin ang pamilya nila (referring to the Revillas). Mabait sila bukod sa katangi-tangi sila bilang mga lingkod bayan,” bulong sa amin ng aming katabing babae na medyo may edad na.
   
“Ang dali nilang lapitan at hingan ng tulong,” patuloy pa nito. “Ako mismo ay makapagpapa-totoo nito.”
   
Tagahanga raw siya ni Ramon Sr. at ni Bong.
   
“Ang guwapo pa rin niya,” susog pa ng aming kausap, referring to Ramon Sr. “Noong aming kabataan, crush siya ng bayan dito sa aming lugar sa Cavite.”

* * *

Personal: Happy Birthday to fellow entertainment writer Reggee Bonoan who turns a year older today.
   
Belated birthday greetings naman kay Ciara Sotto, who marked naman her natal day yesterday.
   
Tanong lang kay Ciara: Back to each other’s arms na ba sila ng mister niyang si Jojo Oconor for good?
   
Oconor is an executive of APT Entertainment which produces the longest noontime show, Eat Bulaga, on GMA 7.