6,553 guests

Aktres at talent manager, may conflict

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 487

Nakakalungkot ang nabalitaan naming may conflict ang isang talent manager (TM) sa talent niyang actress. Paano mapaplano nang mahusay ang career ng aktres kung hindi sila in good terms ng kanyang manager? Alangan namang ang hand- ler na lang ang laging ka-meeting ng aktres?

Patunay sa hindi magandang relasyon ni TM at ng aktres ang hindi man lang pag-a-acknowledge ng aktres kay TM sa isang okasyon na parehong importante sa kanilang dalawa. Sobrang lalim siguro ng isyu nila para makalimutan o kalimutan ng aktres na pasalamatan si TM sa mga naitulong nito sa career niya.

* * *

Bilang festival director ng To Farm Film Festival, masayang ibinalita ni Director Maryo J. Delos Reyes na tapos na ang six entries sa filmfest na ang nasa likod ay si Mrs. Milagros How. Kita ang excitement kina Direk Maryo at Mrs. How na ang pinagpaguran ng lahat ay maipapalabas na.

Nasa post-production na ang mga pelikulang Free Range ni Dennis Marasigan, Pauwi Na ni Paolo Villanueva, Paglipay ni Zig Dulay, Pitong Kabang Palay ni Maricel Cariaga, Kakampi ni Victor Acedillo at Pilapil ni Jose Johnny Nadela.
   
Sa ipinakitang trailer ng bawat pelikula, naniwala kami sa nabanggit ni Direk Maryo na okay ang nabanggit na pelikula na ang topic ay agriculture.
   
Tatakbo ang To Farm Festival mula July 13-19 sa SM Megamall at SM North Edsa. Ang awards night ay sa July 20 sa Shangri-La Hotel. Kabilang sa jurors sina directors Peque Gallaga, Ricky Lee at Gigi Alfonso. Ang three top winners ay tatanggap ng P500,000, P400,000 at P300,000 cash prize, respectively.
   
Present sa presscon ang ilang cast ng six movies kasama ang cast ng Paglipay na taga-Zambales. Ipinagmamalaki sila ni Direk Zig dahil magagaling kahit first time umaarte.
   
Ang Biyaya ng Lupa ang magiging opening gala film sa July 13, sa SM Megamall. Baka dumalo sina Rosa Rosal at family nina Leroy Salvador at Tony Santos na nasa cast ng movie. Darating din ang ibang LVN stars sa gala premiere ng filmfest.

* * *

Makikita sa hashtag pa lang ng 2016 Metro Manila Film Festival na #Reelvolution at bagong tag line na “Ang Bagong MMFF Cine Sama Na” makikitang palaban ang filmfest at mga taong nasa likod nito this year. Maraming malaking pagbabago ang mangyayari sa December filmfest na laging inaabangan ng moviegoers.
   
Malaking boost sa filmfest ang pagsali ng Regal Films ni Mother Lily dahil noong una, ayaw nitong sumali. May presscon daw uli bukas ang MMFF, malalaman ang iba pang producers na sasali na rin sa filmfest.
   
Sasabayan ng 2016 MMFF ang pagbabago na gusto ni Pres. Duterte at umaasa sina MMDA Chairman Emerson Carlos at mga taong nasa likod ng 2016 MMFF na mas magiging successful at masaya ang filmfest sa December kahit may mga inalis at binagong rules. Kabilang ang hindi na pagbibigay ng cash prizes sa winners at prestigious trophy na lang ang tatanggapin ng winners.

* * *

Papuntang Cebu ngayong Linggo sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Kylie Padilla para sa promo tour ng Encantadia. Kahit busy sa taping ng requel ng fantaserye, inilalaan ng apat ang weekend para sa nationwide promo tour para ipaalam sa nalalapit na airing ng fantaserye.
   
Sasamahan ang apat na Sang’gre nina Ruru Madrid at Rocco Nacino sa isang show sa South Town Centre Mall sa Talisay City, Cebu. Ikatutuwa ng mga Cebuana lalo na ng Encantadiks ang ilan sa favorite characters nila sa Encantadia.