5,266 guests

‘Dyosa!’

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 559

Mukha ni Marian, type ‘hiramin’ ni Angelica

Jake, todo-suporta kay Jinggoy

NANGUNGUNA sa listahan ni Angelica Panganiban ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera nang tanungin sa hashtag na #AskAngge kung sino sa mga artistang babae ang gusto niyang hiramin ang mukha.

Kasunod ni Yan Yan, sina Liza Soberano at Kristine Hermosa ang mga aktres na gusto niya ring hiramin ang mukha.

Sa isang banda, nagulat naman ang GMA news reporter na si Jun Veneracion nang tumambad sa kanya ang mukha ni Marian.  

Sa repost ng fans ni Yan, ang deskripsyon daw ni Jun nang makita ang host ng Yan Ang Morning ay “Dyosa,” huh!
   
Heto ang post ni @junveneracion: “Sandaling natigil ang pagsusulat ko ng istorya dahil may eksenang nagaganap sa isang kalsada. Tama ang naririnig ko. Mala-Dyosa ang kagandahan ni Marian Rivera.”

* * *

TODO ang suporta ni Jake Ejercito sa half-brother niyang si Senator Jinggoy Estrada sa movie niyang Tatay Kong Sexy na showing na ngayon.
   
Sa post ni Jake -- @unoemilio -- sa Instagram account niya, nag-imbita siya sa premiere night ng pelikula kahapon sa SM Manila.
   
In fairness, knows ni Jake ang ibang cast gaya nina Maja Salvador, Bayani Agbayani, Empress Shuck, Dominic Roque at Jolo Estrada.
   
Pati ang writer at director na si Joey Reyes.
   
Umani naman ng libong likes ang post niya’t nagsabi ang followers niyang gusto siyang makita sa premiere.

* * *

INILANTAD ni Janine Gutierrez sa Instagram account ang mukha niyang walang tulog at make-up.
   
“No sleep, no make-up (and no shame) for @lofficielmanila.”
   
Ibinahagi ni Janine sa fashion online magazine ang kahalagahan ng make-up-free. Ginagawa niya kasi ang hindi maglagay ng make-up ’pag wala siyang trabaho.
   
“It just feels so much better and lighter and when I see myself without make-up, it reminds me to take better care of my skin, which I feel is more important than putting a lot on it to cover up,” rason ng bida ng Once Again ng GMA.
   
Para sa aktres, si Emilia Clarke, si Khaleesi ng Game of Thrones, ang pinakamagandang tao sa buong mundo.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.