6,330 guests

Anak ni Beauty, bininyagan na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 838
Beauty Gonzales Beauty Gonzales

BININYAGAN na last Sunday, March 19 ang lovechild, a girl they named Olivia,  ng magkasintahang Beauty Gonzales at art curator na si Norman Crisologo na ex-boyfriend naman ng aktres na si Max Eigenmann kung kanino ito may isang anak na lalaki.

Nakilala ni Beauty si Norman sa pamamagitan ng kanilang common friend, ang sexy star na si Ellen Adarna.

Kasisimula pa lamang last year ng dating PBB housemate na si Beauty ng bago nitong teleseryeng “Ningning” nang agad siyang um-exit sa programa dahil sa kanyang pagbubuntis.  Nitong early February isinilang ni Beauty si Olivia.

Ilan sa mga tumayong godparents ni Olivia ay ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales at maging ang actor na si John Lloyd Cruz.

JAKE, 'DI MAKAIWAS SA SHOWBIZ

RELUCTANT actor ang tawag ng marami kay Jake Ejercito, anak nina Manila Mayor Joseph `Erap’ Estrada at dating actress-turned businesswoman na si Laarni Enriquez.
   
Kung tutuusin, guwapo at artistahin si Jake pero  mas gusto pa rin nitong magtapos ng kanyang pag-aaral (muna) bago siya mag-showbiz.
   
After London, lumipat ng Singapore si Jake ay may isa pang taon bago siya tuluyang magtapos.
   
Kung ang mga magulang lamang niyang sina Mayor Erap at Laarni ang masusunod, mas gusto ng mga ito na mag-focus na lang ito sa pag-aaral.
   
Pero sadya yatang hindi nito matatanggihan ang kaway ng showbiz na pinagmulan ng kanyang mga magulang.
 
Unang lumabas si Jake sa Kalyeserye ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang kaklase at kaibigan ni Divina/Yaya Dub (Maine).  Mainit ang naging pagtanggap ng mga fans kay Jake kaya muling kinuha ng TAPE bosses ang serbisyo ni Jake na mapasama sa Lenten offering ng “Eat Bulaga” ngayong Semana Santa.
   
Ngayong araw ng Miyerkules ay mapapanood sina Alden, Maine at Jake sa isang kakaibang Lenten special na pinamagatang “God Gave Me You”.
   
Hindi naging mahirap na kumbinsihin ang mga magulang ni Jake na payagan itong lumabas sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga” dahil sila man ay tagahanga ng Kalyeserye at ng tambalan nina Maine at Alden.
   
Maganda rin siguro kung si Jake ang makaka-love triangle nina Alden at Maine sa pelikulang kanilang gagawin.
   
Samantala, nananatiling magkaibigan ang dating magkasintahang Jake at Andi Eigenmann sa kabila ng kanilang paghihiwalay.
   
Tumagal din ng halos limang taon ang relasyon ng dalawa at mukhang si Jake ang pinakamatagal na naging kasintahan ni Andi.
   
Kahit hindi siya ang tunay na ama ng anak ni Andi na si Ellie, nananatiling very close pa rin si Jake sa bata hanggang ngayon.
   
Jake remains single at itinanggi nito na naging kasintahan niya ang socialite na si KC del Rosario.

PAOLO, TULOY ANG RAKET KAHIT SUSPENDIDO

KAHIT suspendido si Paolo Ballesteros sa “Eat Bulaga,” tuloy pa rin ang raket nito sa ibang bansa kasama ang dalawa pang lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo).
   
May show sa San Francisco, Los Angeles at San Diego, California ang tatlong Lolas kasama ang ibang Dabarkads ng “Eat Bulaga” at ilang Kapuso stars.
   
Samantala, umaasa ang mga tagasubaybay ng Kalyeserye at Sugod-Bahay segment na sana’y paiksian na ang suspension kay Paolo.  Iba raw kasi ang dating kapag hindi kumpleto ang tatlong lolas.

JADINE, BAGONG GOLDMINE NG VIVA

TUWANG-TUWA ang  JaDine fans sa Middle East at ilang bahagi ng Europe dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na makadaupang palad ang isa sa pinakamainit na loveteam ngayon ng Pilipinas, ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre na tambalan na rin sa totoong buhay matapos silang umamin sa kanilang relasyon.
   
May bagong goldmine na naman ang Viva dahil isa ngayon ang JaDine sa pinaka-mainit na loveteam sa kasalukuyan matapos silang magbida sa hit TV series na “On The Wings of Love” na consistent top-rater mula sa pagsisimula nito hanggang sa pagtatapos ng serye which is now capped with a series of shows in Europe na susundan ng Amerika at Canada.
   
Naka-sched na rin ang bago nilang movie na co-production ng Star Cinema at  Viva Films habang binubuo na ng Dreamscape ang bago nilang gagawing teleserye na malamang sa buwan ng Hunyo magsimula.
   
Marami ang nagsasabi na bukod sa “On The Wings of Love” TV Series at “JaDine In Love” full-house concert sa Big Dome, nakatulong nang husto ang ginawang pag-amin ng dalawa sa estado ng kanilang relasyon.
   
Samantala, nakikipagsabayan na ngayon ang JaDine sa AlDub sa paramihan ng  mga product endorsements.

KIMXI, ’DI KASING-INIT NG TAMBALANG KIM AT GERALD

NARANASAN din noon ng loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson ang  kasikatang tinatamasa ngayon ng mga bagong loveteams tulad ng JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil at ng phenomenal pair na AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.
   
Pero ang team-up ngayon nina Kim at Xian Lim ay hindi kasing init noon ng tambalan nina Kim at Gerald.

MASAYANG MALUNGKOT SA PAGTATAPOS NG 'LITTLE NANAY'

NGAYONG gabi (March 23) na ang final airing ng “Little Nanay” ni Kris Bernal mula sa direksiyon ng actor-director na si Ricky Davao.
   
Masaya na malungkot ang pakiramdam ni Kris sa pagtatapos ng kanyang pinakabagong teleserye sa Kapuso Network.  Masaya dahil nakatrabaho niya ang superstar na si Nora Aunor at ibang de kalibreng actor tulad nina Eddie Garcia at Bembol Roco at malungkot naman dahil tiyak na pare-pareho nilang ma-miss ang isa’t isa sa kanilang regular taping.
   
Naging parang pamilya na kasi ang turingan nila sa set ng “Little Nanay”.
  
KRIS BACK SOONER THAN WE THINK?

NAGBABAKASYON ngayon sa ibang bansa ang Queen of All Media na si Kris Aquino kasama ang dalawa niyang mga anak na sina Joshua at Bimby.  Sa kanilang pagbabalik ng Pilipinas, tiyak na maninibago si Kris na wala siyang bagong TV show na tumatakbo sa telebisyon at walang ibang pinagkakaabalahan sa showbiz.
   
Hindi kaya after one month or so ay magdesisyon si Kris na bumalik sa TV na naging parte na ng kanyang buhay sa loob ng 20 taon?

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.