7,028 guests

Triker tigok sa jitney

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 972

Nasawi ang isang tricycle driver matapos mabundol ang minamaneho nitong sa-sakyan ng isang Mitsubishi Fuso jitney sa Bgy. Del Remedio, San Pablo City, Laguna, Martes ng gabi.

Kinilala ng San Pablo City police ang biktima na si Juan Escueta, nasa hustong gulang, ng Bgy. San Juan sa nasabing lungsod.
    
Si Escueta ay nasu-gatan sa leeg nang mabasag ang windshield at sumuot ang ulo matapos bundulin ng jitney (DXL-682) na minamaneho ni Wilfredo Derequito, 57, pagkaipit ng isa pang tricycle na minamaneho ni Frangie Mercadez, ng San Pablo City.
 
Dakong alas-8:30 ng gabi ay papauwi ang biktima sakay ng minamanehong tricycle nang mag-overtake ang suspek at aksidenteng nasapol ito gayundin ang tricycle ni Mercadez na kasunod nito.
    
Kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang nakatakdang isampa ng pulisya laban kay Derequito at Mercadez sa City Prosecutor’s office.

Leave a comment

Make sure you enter all the required information, indicated by an asterisk (*). HTML code is not allowed.