6,740 guests

Ginang ‘tinilad’ ng dump truck

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 215

Halos mahati ang katawan ng isang ginang matapos aksidenteng makaladkad hanggang masagasaan ng isang dump truck na kargado ng graba subalit nakaligtas ang kanyang kandong na mga anak sa national highway sa Bgy. San Vicente, Biñan City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jessabel Tumasar, ng B54, L28, P2, Southville 5A, Bgy. Langkiwa, Biñan City.
   
Si Tumasar ay isinugod sa Perpetual Help Medical Center kung saan idineklara itong dead on arrival ng attending physician, ayon sa traffic police na nagresponde sa aksidente.
   
Agad namang naaresto si Daniel Richie Pescante, 21, driver ng puting dump truck (130919) na nakarehistro sa ilalim ng BDO Leasing and Finance Inc.
   
Si Pescante na may hawak na temporary driver’s license lamang ay nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ng pulisya.
   
Sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon noong Biyernes nang ang biktima, kasama ang dalawang anak, ay bumababa sa isang pampasaherong jeep. Subalit nang ganap ng makababa at papatawid na sa kalsada ay bigla namang nahagip ang ginang, na mabilis namang naihagis ang dalawang anak bago tuluyan itong nasagasaan ng trak.