4,927 guests

Angel, nalalagas ang buhok kaya naka-wig!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 3157

Barbie, tinawag na malandi!

Sa latest post ni Angel Locsin sa Instagram (IG), nakasuot siya ng wig at ang caption ay “Selfie kasi curly...,” pero may rason pala ang paggamit niya ng wig. Ang balita, nalalagas ang buhok nito dahil sa hair treatment sa isang salon.

Ang sabi, nasobrahan yata ng hair treatment, kaya sobra rin ang hair fall ni Angel. In fairness, hindi nag-ingay sa social media si Angel at hindi pinost ang nangyari sa kanya. Pinayuhan itong idemanda ang salon, pero as of today, tahimik ang aktres.
   
Anyway, nag-mountain climbing din pala si Angel at kasama ang ilang kaibigan, inakyat nila ang Mt. Cayabu-Mt. Maynoba na sabi sa Google, nasa Tanay, Rizal.

* * *

Lumabas na ang solo at first teaser ng Meant To Be, ang primetime rom-com series na bida si Barbie Forteza. Maganda ang ginawang teaser ni Direk LA Madridejos na nagkita-kita ang apat na leading men ni Barbie at muntik siyang masagasaan ng mga ito. May pitik agad, gusto tuloy ng viewers mapanood na ang show.
   
Sandali na lang ang ipaghihintay ng fans ni Barbie at sa mga nag-aabang kung kanino kina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto siya magkakaroon ng malakas na chemistry. Sa ngayon, may VanBie fans na for Ivan and Barbie at KenBie fans for Ken at Barbie.
   
May ilang bashers at naiinggit siguro kay Barbie dahil apat ang kapareha, tinawag na malandi ang aktres, hindi inisip ng basher that she’s only playing a role.
   
Sa January 9, 2017 ang pilot ng Meant To Be at sa presscon, masasagot ang tanong kung gaya raw ba ang rom-com series sa Meteor Garden ng Taiwan?

* * *

Natatawa kami sa conversation  ng viewers ng Alyas Robin Hood  at naghahanap kay Paolo Contis dahil matagal nang hindi napapanood ang karakter nitong si Police Officer Daniel Acosta. Sabi ng isang fan ng aktor, ’wag na itong hanapin, nasa New York ito kasama ang GF na si LJ Reyes at anak ng aktres na si Aki.
   
Matagal nang missing si Paolo sa Alyas Robin Hood at hindi masagot ng aming mga tinanong kung babalik pa ang karakter nito at kung bakit biglang nawala? After New Year pa ang balik nila nina LJ at Aki, ilang taping days na ang na-miss nito.
   
Samantala, ang ganda ng birthday message ni Paolo kay LJ na pinost sa IG: “I know nobody is PERFECT... but if there is someone close enough to perfection, that would be YOU. You are a very very beautiful person...You are so funny and you make everyone around you happy. Your smile and your laugh never fails to bright up someone’s day. You are a brilliant actress. You are a great sister. You are a great daughter. You are a great partner/bestfriend! And everybody knows that you are the best mother to Aki...and the best Tita to my kids.
   
“You do all of these things without asking anything in return. You are the most unassuming person I know and I am in awe of your kindness. These are only a few reasons why I love you and why I’m never going anywhere. You have so much love to give and I promise to protect your heart so it will never get hurt ever again. Happy Birthday my love...I always want to see you happy!”

* * *

Tingnan nga natin kung gaano kahanda si Koreen Medina sa pamba-bash ng ilang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ’pag nagsimula na siyang mag-taping ng Destined To Be Yours at kapag airing na ito. Involved kay Alden ang karakter ni Koreen, kaya marami si-lang scenes together.
   
Handa na raw siya sa lahat, sabi ni Koreen, pati sa bashing at nabalita pa nga lang na kasama siya sa cast, may mga nag-tweet nang mag-behave siya at ’wag maging close kay Alden lalo na ’pag wala sa eksena.
   
Big break kay Koreen ang Destined To Be Yours dahil sa rami nang nag-audition, siya ang napili, she’ll do her best na magmarka ang karakter niya. “I feel so blessed for this big opportunity,” sabi ni Koreen.

* * *

Hindi makakalimutan ni Carlo Gonzalez ang En-cantadia kahit magtapos ang fantaserye. Iba ang iiwan nitong marka sa kanya at feeling nito, for life na ang iiwang marka sa kanya ng role ni Muros. As of today, ang fantaserye at si Muros ang kanyang favorite show at favorite character.
   
Nagpa-tattoo si Carlo ng pangalan niya gamit ang Nchan, ang alpabeto ng mga Engkantado. Ipinost nito sa Instagram (IG) ang litrato ng bagong tattoo na may caption na, “One of the most painful things I have endured but definitely worth it.”
   
Hindi rin makakalimutan ni Carlo ang magandang samahan ng buong cast ng Encantadia. Hindi lang bagong kaibigan ang nakita niya kundi bagong pamilya. At masaya sila sa mataas na ratings ng fantaserye.