5,863 guests

Wish ni Julia, makasama si Dennis

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 581

Masayang-masaya ang tatlong lead stars ng Vince & Kath & James na sina Joshua Garcia, Ronnie Alonte and Julia Barretto, pati na rin ang direktor na si Theodore Boborol sa pagkakapasok ng pelikula nila sa Metro Manila Film Festival.
   
May mga nagsasabi nga this early na posibleng maging top grosser ito, pero ayon sa direktor at  cast, ayaw nilang mag-expect.
   
“At first, siyempre, we are flattered kasi siyempre, nu’ng ginawa namin ang pelikula, hindi namin ini-expect na una, in the first place, makapasok kami sa MMFF, pangalawa, ’yung pini-predict nilang top grosser kami, kaya lang, ayaw naming ilagay sa isip namin kasi, parang ang yabang naman nu’n.
   
“Sa ngayon, masaya lang kami na natanggap kami sa MMFF at gusto naming ibahagi ang kasiyahan namin sa mga manonood.
   
“Kasi, bilang holiday season, Pasko, I’m sure, gusto nilang matawa this season at ma-entertain at makilig kaya ’yun lang ’yung gusto namin sa ngayon -- na maiparating sa kanila ’yung entertainment na hinahanap nila for this holiday season. But thank you sa mga nag-iisip na pwede kaming maging top grosser,” pahayag ni Direk Theodore sa grand presscon ng movie last Tuesday.
   
Ayon naman kay Julia, dream come true para sa kanya na magkaroon ng MMFF entry.
   
“At this point siguro, sobrang saya ko lang po talaga na nakapasok kami sa MMFF. Never in my wildest dream. Dream come true talaga ’to. Pero dahil ’yun ang iniisip nila, siyempre i-embrace na lang po namin. Nagpapasalamat po kami, pero siyempre, ’yun na ang prayer namin,” sey ni Julia.
   
Natanong naman si Ronnie kung alin ang uunahin niyang panoorin sa dalawang filmfest entries niya (the other one is Seklusyon) at playing safe na sumagot ang miyembro ng Hashtag na lahat ng kasali sa MMFF ay papanoorin niya.
   
Nilagare ni Ronnie ang shooting ng Seklusyon at VKJ dahil sabay niya itong ginawa, pero hindi raw niya ini-expect na pareho itong mapapasok sa MMFF.
   
Kaya nga sobrang saya raw niya na ngayon lang siya gumawa ng pelikula at pareho pang pasok sa filmfest.
   
Natanong din si Ronnie kung iiwan na ba niya ang Hashtag kapag naging busy na talaga siya sa pag-arte.
   
“Ay, hindi po. Hindi ko po iiwan kahit anong mangyari. Sabi ko nga po sa kanila, kahit maging sobrang busy ako, wala man ako sa tabi nila, basta nandu’n pa rin po ako. Kapag open po ang sked ko, pupunta pa rin po ako sa Hashtag, magsasayaw pa rin po ako,” sey ni Ronnie.
   
Sa opening day ng Vince & Kath & James on Christmas day, mag-iikot ang tatlo sa mga sinehan.
   
Si Julia ay kasama ang buong family niya na mag-iikot sa sinehan.
   
Pati ba ang daddy niyang si Dennis Padilla ay makakasama niya?
   
“Sana, sana may time siya for me,” sagot ng young actress.
   
Wala bang time ang daddy niya for her?
   
“Sana. Baka busy, ewan ko. Tingnan natin po. Pero siyempre, i-invite ko siya, kasi this is a rom-com and my dad is a comedian. So, siyempre, gusto kong makakuha ng reaction, ng advice galing sa kanya.
   
“Siyempre, gusto ko rin na maging proud ’yung dad ko sa first-ever comedy project ko,” pahayag ni Julia.
   
Ang Vince & Kath & James ay hango sa patok na patok na online romantic series na Vince & Kath kung saan ay ipinapakita ang istorya sa pamamagitan ng screenshots ng text messages sa pagitan ng mga lead character, na isa sa mga naging dahilan kung bakit ito naging viral na social-serye sa online readers.
   
Nakuha kamakailan ng Star Cinema ang rights ng nasabing sikat na serye at dinibelop sa mini-franchise with its big screen adaptation as grand opening salvo.