5,522 guests

Namatay

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 696

Robin, nagluluksa!

Alden, ’di nagpakabog sa Asian celebrities!

NAMATAY na ang writer-artist ma-nager na si Bibsy Carballo. Agad pina-cremate ang labi niya at nakalagak ito sa Pinaglabanan Church para sa ilang araw na wake.

Ang isa pang namatay kahapon na taga-showbiz ay ang actor-director na si Bebong Osorio. Nalaman namin ang pagyao niya sa isa niyang apo na kaibigan namin, si Xavier Lim.
   
Tiyak na nagluluksa si Robin Padilla at iba pang member ng Padilla clan dahil malapit ang action king kay Bebong. Mula nang pasukin ni Binoe ang pag-aartista, laging nasa tabi niya ang tiyuhin upang sumuporta at dumipensa.
   
Wala pa kaming detalye sa pagkamatay niya at kung saan ibuburol ang labi niya.
   
Ang aming pakikiramay sa naulila ni Direk Bebong.

* * *

HINDI nagpatalo si Alden Richards sa kaguwapuhan at pag-host sa kasabayang Asian celebrity sa natapos na Asian TV Awards na ginanap sa Singapore. Eh, nabigyan din siya ng chance ma-interview ni Adrian Pang kaya naman ’yung tao sa audience ay panay ang sigaw sa kanya.
   
Amazed si Pang sa achievements ni Alden  sa murang edad na sinubaybayan din pala niya ang achievements bilang artista.
   
May video sa Instagram ng hosting niya mula sa AldenMaine videos. Sa isang post naman ng netizen, nagkagulo ang kasama niyang hosts sa stage. Nataranta ang mga ito nang sugurin ng fans niya sa Singapore sa gabi ng Asian TV.
   
Hayun at talagang inalam nila kung sino si Alden sa atin.

* * *

ABSENT si Jona a.k.a. Jonalyn Viray sa bridal shower ng dating kasama sa trio na La Diva na si Maricris Garcia. Sila nina Aicelle Santos ang binuo ng GMA Artist Center hanggang sa nabuwag ito nang magsolo ang bawat isa.
   
Ikakasal na kasi si Maricris sa kanyang non-showbiz boyfriend. Pinangunahan ni Aicelle ang pagtitipun-tipon ng mga kaibigan nila upang sorpresahin ang bride to be.
   
That day, nakatakda sanang pumunta sa taping ng Sarap Diva si Maricris. Pero kinutuban agad siya nang makita niyang maraming kotse sa location. Tagumpay ang sorpresa sa kanya dahil dumating ang ilan sa kaibigan niyang sina Regine Velasquez-Alcasid, Max Collins, Rita Daniella at Jerald Napoles.
   
Siyempre, after Maricris, si Aicelle naman ang tinutuksong pakasal sa boyfriend na si Mark Zembrano, huh!